Right to my Australian partner, we are not married

Vergara Vvina
is in the Philippines

Good morning po Atty. ask ko lang po kong mayron po ba akong karapatan na mag habol sa partner kong australiano mayron po kaming 3 anak but were not marriage. Last December 28 po nag away po kami at umalis sya ng bahay at the same time umalis din po yong yaya ng mga anak ko. Nag post po sila sa facebook with picture kissing each other and saying they were engaged. 17 years old po yong yaya namin. Sa ngayon po nag bebigay naman sya ng suporta sa mga bata... mayron pa po ba akong karapatan na habolin sya bukod sa suporta nya sa mga anak namin kasi hindi naman kmi kasal ??? pls help me..vina of Bacolod city...



Translation: Last December 28, my Australian partner and I (we are not married) fought and he left our house with our kids' nanny. I saw them on a Facebook post kissing each other and saying that they are engaged. The nanny is just 17 years old. Now, he gives financial support for his 3 kids. Do I have right to my Australian partner, other than ask for financial support for our 3 kids?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Saan kayo nakatira, Vina? Sa Bacolod ba o sa Australia? Ang mga anak ninyo, ang kanilang birth certificate, Philippine ba? O mayroon din silang registration sa Australian Embassy? May mga Australian passport ba ang mga anak mo? Sa Philippine passport ba nila ay nakalagay ang pangalan ng kanilang Australian father? May acknowledgment ba?

Ganito ang mga tanong ko kasi, sa Australia, kahit hindi kasal ang dalawang tao, recognized ng gobyerno ang mga 'de facto' marriages at mga 'domestic partnerships' pati na ang mga anak na bunga ng mga recognized na relationships na ito.

Ang isa pa, sa Australia kasi, pag naghiwalay ang mag-partner (kahit na hindi sila kasal), may matinding obligasyon ang mga magulang ayong sa kanilang batas na itaguyod ang kanilang mga anak. Ang kanilang prinsipyo sa Australia ay: couples divorce each other, not their children.

So mayroong agency ang Australia kung saan mag-aaply ka para sila ang magpadala ng notice sa iyong partner na kailangan niyang mag-bayad ng child support. Teka, i-Google mo ang 'child support agency Australia'.

Kung ang iyong asawa ay may SSS number o taxpayer number at siya ay pensionado, kapag nag-wagi ka na ma-prove na ang mga anak mo ay anak mo sa Australiano, at sila ay iniwan niyang walang ipinadadalang supporta para sa mga bata, ang gobyerno na mismo ang kukubra ng child support para sa mga anak mo. Ito ay ibabawas sa mga benefits na tinatanggap ng partner mo mula sa Australian government.

Ang isa pa, maari ka ring humingi ng spousal support lalo na kung ikaw ay hindi nagtrabaho dahil sa nag-aalaga ka sa mga anak ninyo. Lalo na kung mag anak kayong mag kapansanan na kailangang alagaan. Maaari mong hingan ng supporta ang iyong partner sa halip na ikaw ang mag-trabaho. Yun na nga laang, kailangan mo ng matitibay na ebidensiya.

payo ko, huwag kang mag-habla sa Pilipinas -- mabagal dito, at kung magka-desisyon ka man mula sa mga husgado dito, walang ngipin iyon at hindi mo mapipilit ang iyong partner na sumunod sa mga husgado.

Maari mo siguron ireklamo ng violation against women kasi, tinitikis na sa mga pamamaraang pinansiyal. Ito ay isang form ng violence na tinatanaw ng batas. at ito ay nag-aaply din sa mga babae kahit hindi sila kasal sa lalake. Itong complaint mo ay maaari mong ihain directa sa Bureau of Immigration -- bilang isang criminal complaint para matakot ang Australiano na ma-deport. Yun nga lang, kapag natakot siyang ma-deport, baka naman lisanin niya ang Pilipinas ng tuluyan, wala ka nang mahabol talaga.

Pinaka-maganda ay ang sumangguni ka muna sa Australian Embassy. Ingat ka, marami akong naririnig na medyo may discrimination sa Australia (kasi ang mga batas nila ay laging nagsasabi na hindi dapat tignan ang race, creed, colour or gender. Kapag ang mga batas nila ay laging may ganitong phrase, ibig sabihin, tanaw ng batas na malakas ang discriminasyon.

Hindi ko naman nilalahat, pero, ang mga puti kasi medyo ang tingin sa mga Pilipina na nakikisama sa mga puti na walang kasal ay mga gold-digger. Mahirap mong kumbinsihin na talagang may loving relationship na nagbago. Pero, yun na nga, kailangang may proof ka. Mga pictures ninyo kasama ang mga bata, magandang proof iyon bukod sa birth certificate or baptismal certificate ng mga bata. Kung may mga sulat, etc. Kailangan mo ng proof.
Kung maaari mong i-print yung facebook screen na nakalagay ang picture noong yaya at yoong partner o, i-print screen mo at ito ay gawin mo ring ebidensiya. Mga text message ay ebidensiya din.

Kumuha ka ng abogado at kung maari ay magsama ka ng abogado sa Australian Embassy. gumawa ka rin ng sulat para may documentation ang iyong pagpunta. para hindi ito mabale-wala ng kinauukulan ng Australia. Subukan mo rin on-line. Ang alam ko ay may online portal sila para maghain ka ng complaint. I-google mo. Balitaan mo rin ako.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Vina, here, I googled the sites na makapagbibigay sa iyo ng information kung paano ka makakagawa ng complaint for assessment and collection of child support from your Australian spouse na gamit ang proseso ng Australian Government. Sa Australia kasi, may criminal liability ang magulang na hindi sumuporta sa mga anak nila -- it is child abuse and neglect to them. so, they will help you. Good luck, ha? Balitaan mo kami dito sa mga developments.

https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=6&cad=rja&ved=0CEQQFjAF&url=http://www.humanservices.gov.au/corporate/publications-and-resources/child-support-guide/&ei=GD4BU765K8SprAfIwICgBA&usg=AFQjCNENpjWNWEXyr2CdSi8_M10WXuXO9w&sig2=G1KFxkcJFfP6k89roj23Tg&bvm=bv.61535280,d.bmk

https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=6&cad=rja&ved=0CEQQFjAF&url=http://www.humanservices.gov.au/corporate/publications-and-resources/child-support-guide/&ei=GD4BU765K8SprAfIwICgBA&usg=AFQjCNENpjWNWEXyr2CdSi8_M10WXuXO9w&sig2=G1KFxkcJFfP6k89roj23Tg&bvm=bv.61535280,d.bmk

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.