May land properties po ang grandaunt ko at tiyohin ko na parehong nakapangalan sa kanilang dalawa. Nauna pong namatay ang grandaunt ko at pagkalipas ng 9 years eh namatay ang tiyohin ko naman na may asawa pero wala silang anak.
Ganoon din po ang grandaunt ko walang asawa at nagiisang anak ang tiyohin ko na pinsan ng tatay ko. Ngayon po sabi ng tiyahin ko na sa kanya na daw lahat ng properties ng relatives ko. May habol po ba kami o ang tatay ko bilang pinsan nya as malapit na kamaganak?