Magandang araw po. Gusto ko po sanang ampunin ang aking mga pamangkin (kambal). Kasalukuyan po akong nasa Amerika at magdadalawang taon na po ako dito. Ang akin pong kapatid at ang kanyang mga anak ay iniwan ng kanyang asawa/kanilang ama more than 3 years ago na. Simula po ng nanganak ang kapatid ko ay mga magulang ko na ang umaagapay sa kanila (almost 1 month po ang mga bata sa ospital dahil kulang sa buwan at may mga komplikasyon).
Ni isang singkong duling, hindi man lang nakapagprovide ang parte ng lalaki. Ang mga magulang ko din po ang ngprovide ng kanilang tahanan at pagkain sa araw-araw at mga pangangailangan ng mga bata. Makalipas ng ilang buwan ay nagdecide na akong mangibang bansa para makatulong naman sa mga magulang ko sa pagsuporta sa mga bata.
Nakilala ko ang aking napangasawa at isang taon matapos namin magkakilala ay nagdecide akong umuwi ng Pilipinas para ipakilala sya sa aking pamilya. Nakita nya ang mga bata (2 years old na sila nun) at nalaman nya ang kwento ng buhay ng mga bata na inabanduna sila ng kanilang ama at lage nakikita ng mga bata kapag binubugbog ng lalaki ang aking kapatid. Nagkatrauma din sila sa sigawan at kung ano ano pa. Nung lumayas ang lalaki sa bahay ay dinala ang TV (tanging entertainment na nga lang ng mga bata), electric fan at iba pang appliances na kung hindi din dahil sa tatay ko ay ndi nila maiipundar.
Simula ng ipakilala ko ang aking napangasawa sa aking pamilya ay napusuan niya ang mga bata at higit ng 3 years na kame ay sumusuporta sa mga bata. Mula sa pagkain hanggang sa hospital bills. Kapag bakante ako sa trabaho ay nagreresearch ako kung ano bang magandang gawin para maampon namen ang mga pamangkin ko. Kung mas maigi bang ampunin ko sa Pilipinas tapos saka sila kuhanan ng visa matapos maampon, or directly na dito sa agency na accredited for adoption processing. Ang tanong ko po ay, kailangan ba kunan ng consent ang ama kahit na iniwan sila at never nagbigay ng financial support, at may kinakasama na ngaun? Salamat po.
Translation: I would like to adopt my niece/nephew (twins). I am currently in America (United States) and have been here for almost 2 years. My sibling and her kids were left by her husband more than 3 years ago. Since my sister gave birth, my parents have been taking care of the twins (they were confined for almost a month in the hospital because they were born prematurely). The father of the twins did not even pay for a single centavo for any costs/expenses. My parents also provided food, clothing and shelter to the kids. After a few months, I decided to go abroad, in order to help my parents support the kids.
I met my husband and a year after we got married, we decided to go back to the Philippines, so that I could introduce him to my family. My husband saw the twins (they were already 2 years old then) and he also learned their story and their life when they were abandoned by their father and they always saw their mother being beaten by their dad. They also experienced emotional/psychological trauma from the shouting, etc.
When the father of the twins left the house, he took with him the television (the only entertainment for the children), electric fan and other appliances, which, if not for my father, they would not have been able to buy.
Since I introduced my husband to the kids, he got close to the kids and its been more than 3 years since we have been supporting the kids, from food to hospital bills. When I am free from work, I research what we could do to adopt my nephew/niece. Whether we should adopt them in the Philipines and then get their visa afterwards. Or adopt them here in an agency that is accredited for adoption processing. My question is: Do I need consent from the father of the children, who had abandoned them and who never gave financial support, and who also is living with another woman now?