Married Japanese marrying another Filipina, valid po ba ang kasal nila?

Risato Ono
is a house wife in Japan

Kapag po ba ang isang hapon kasal na tapos po di pa sila hiwalay ng asawa nya, at nagpakasal sa ibang pilipina na walang documento, valid po ba ang kasal nila at makakasuhan po ba ang hapon sa ganitong kaso?


Topic: If a Japanese is married and gets married to a Filipina without documents, is the marriage valid? Can a case be filed against the Japanese?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, ha, let me see kung naintindihan ko ang tanong mo.

May isang Hapon, nagpakasal sa isang Pilipina na nasa Japan pero, TNT siya sa Japan. Tapos, iyong Hapon pala, may asawa din at hindi pa sila hiwalay (ibig mo sabihin siguro, hindi pa sila divorced?) Ang tanong mo ay kung maaaring ang Hapon ay kasuhan?

Depende. Una, saan kasal iyong Hapon sa una niyang asawa? Parang mula sa kuwento mo, ang ibig mo sabihin ay ang Hapon ay kasal din sa ibang Pilipina? Ibig ko sabihin, ang Hapon ay kasal sa dalawang Pilipina?

Pangalawa, ang unang asawa ba ay Hapon din (parang Pilipina din yata?)

Kasi, ganito iyon. Ang mga personal laws natin (tulad ng mga batas patungkol sa kasalan) ay nag-a-apply lamang sa mga Pilipino citizens. Hindi ito nag-a-apply sa mga Hapon.

Ngayon, kung ang ibig mo sabihin na kaso na gustong isampa laban doon sa Hapon ay ang bigamiya (ang pagpapakasal ng dalawang beses), depende din ito.

Kung may krimen na bigamiya sa Japan at doon sila sa Japan kinasal sa una at sa pangalawang asawa, puedeng kasuhan ang Hapon doon sa Japan noong mga asawang pinakasalan niya doon sa Japan.

Kung halimbawa naman ay dito sa Pilipinas nagpakasal ang Hapon doon sa dalawang mga Pilipina, puede naman din siyang kasuhan ng kasong bigamiya (isang kasong kriminal) dito sa Pilipinas dahil sa dito ginanap ang mga kasal niya.

Hindi kasi kumpleto o malinaw ang kuwento mo, kaya, hindi ko masiguro kung nasagot ko ng maayos ang iyong tanong. Kung nais mo, liwanagin mo ang iyong kuwento, mag-post ka ulit, at baka masagot ko ng mahusay ang iyong tanong.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good Evining po Attorney,
Ganito kc yun, Ang Asawa ko po hapon di po kami hiwalay kasal kami dito sa japan at nagpakasal din po ulit kami sa simbahan po dyn sa pilipinas. ang Asawa ko may kabit po cya entertener po dito dati ngayon po nasa pilipinas na inuuwian po nya parati kapag nasa ibang bansa kami ng anak ko. ngayon po ang Asawa ko at kabit nya magpapakasal po daw s huwes na walang doc. na isasabmit s huwes magbabayad po daw ang hapon ng under the table basta po makasa
lng sila at isa pa po di rin alam ng kabit nya namay Asawa ang hapon. ang tanong po
1. magiging valid po ba ang kasal nila?
2. anong kaso po ang puede kong isampa sa kanila
3. lahat po ng ari arian n binili ng asawa ko sa kabit nya puede ko po bang bawiin?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
1. Kung ang asawa mo ay kasal na sa iyo sa Japan at sa ilalim din ng batas ng Pilipinas, hindi na siya puedeng magpa-kasal ulit sa iba dito sa Pilipinas.

2. Hindi ko alam kung sa Japan puedeng dalawa ang asawa-- malamang sa hindi, traditional ang mga Hapon -- iisa lang ang puedeng legal na asawa, pero, puedeng may kabit.

3. Puede mong idemanda ng adultery iyong babae at concubinage naman iyong lalaki. Kasi nga, kasal kayo sa Pinas. Puede mo ring kasuhan ng bigamiya iyong lalaki kung talagang nagpa-kasal sila sa Pilipinas.

4. Well, hindi ko masagot kung puede mong bawiin ang lahat ng binili ng asawa mo para sa kabit niya. Kasi, kung ang batas ng Pilipinas ang paiiralin mo, dahil nga sa kasal kayo dito, ang ginastos niya sa babae ay bahagi ng inyong absolute community of property (sa iyo ang kalahati noon). So, sa ilalim ng batas ng Pilipinas, puede.

Sa isang banda, on a personal note -- bakit mo pa hahabulin ang lalaking ayaw naman na pala sa iyo? Hindi ba puede ka namang magpa-divorce. At dahil sa ang lalaki ang may kasalanan at nambabae siya at pinabayaan ang inyong anak at ang inyong pagsasama, hindi ba't ikaw ay puedeng humingi sa mga husgado sa Japan ng alimony at support para sa iyo at sa inyong anak? Hindi ba't mas maganda iyon? Tapos, tuluyan mo ang kuhanin ang lahat ng ari-arian ninyo para sa inyong anak ay para sa iyong support dahil sa hindi ka makakapag-hanap buhay ng full time dahil sa inaalagaan mo ang inyong anak.

Kung may business kayo, kuhanin mo din ito -- kung ikaw ang nagpapalakad nito, sumingil ka ng suweldo na dapat ay ibinigay sa iyo. Mas maraming paraan na parusahan ang isang asawa na salawahan -- ang pagdedemanda ay isang paraan, pero if you want to hurt this husband who has hurt you -- go after his money. Nothing hurts more than to lose money and property dahil lamang sa nambabae siya. Baka magtino na siya at makita niyang he has more to lose if he plays with his kabit than if he stays with you.

I'm sure mayroon mas creative pa na mga paraan para patinuin ang asawang salawahan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day po atty ask ko lang sana kung pwede ko kasuhan yung asawa kong hapon. Dito kami kinasal sa Pinas tapos nagpakasal ulit siya sa pinay dito din sa Pinas bali dalawang beses po siya nagpakasal sa Pinas Ano po Dapat kong gawin atty?pwede ko po ba sila kasuhan?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.