Ako po ay isang OFW sa Middle East. Sir/Ma'am gusto ko lang po malaman ang aking karapatan, sa loob ng tatlong taon ko pananatili sa ibang bansa ganon din po katagal na ang aking misis ay may kinasamang ibang lalaki sa Pilipinas at dun po mismo sa bahay na inuupahan namen tumitira na ako po ang nagbabayad.
Kami po ay kasal sa city hall at meron po kaming dalawang anak. Nalaman ko po ito dahil nagkataon po nalaman ko ang kanyang detalye sa kanya Facebook account at dun ko po nabasa lahat at umamin din po sya sa akin ng kanyang nagawa noon umuwi ako sa pilipinas at meron pong mga tao na nakakakita at nagsasabi sa akin ng mga pangyayari habang wala po ako sa pilipinas. Gusto ko lang po malaman ang aking mga karapatan ukol sa issue na ito. Dahil po sa side ko po ay ayoko na din po pagpatuloy ang aming relasyon at pagsasama, concern ko po ay yung dalawang bata.
Meron po ba ako karapatan mapunta sila sa aking pangangalaga? Dahil nalalaman ko po na sa pangangalaga po ng Ina ang mga batang pitong taon gulang pababa, ang anak ko po ay anim at apat na taon. Kung ako po ay magsasampa ng kasong "adultery" may chance po ba panigan ako ng husgado at mapunta sa pangangalaga ko ang mga bata?
Sa totoo lang po ayoko lumaki ang mga anak ko sa ganon kapaligiran na ang Ina nila ay may ibang kasamang lalaki sa bahay, malaki po ang impact sa kanilang pag-iisip pag nagpatuloy po sila manatili doon.
Salamat po at more power sa inyo.
Oca