Hello, Jing. So sorry, ngayon ko lang nakita na may reply ka pala dito sa ilalim ng forum post na ito. Ngayon ko lang masasagot ang iyong katanungan. Sa susunod, gumawa ka ng sariling post mo hindi reply sa post ng iba – para makita ko agad.
First of all, hindi naman mga orphans lang ang inaampon. Ang batas natin ay nakikita ang realidad na may mga kamag-anak tayo na walang kakayanang palakihin ang kanilang mga anak (dahil nga sa minsan ay kapos sa buhay o may-sakit ang mga magulang). At saka ang kultura natin ay iba sa mga Western cultures. Tayo, mas maiging maki-pisan sa kamag-anak kaysa sa mga hindi ka-anu-ano. So, ito ay pinagpapa-roonan ng ating batas. You can always adopt a relative dito sa Pilipinas, basta’t ikaw ay Filipino citizen pa, o kaya’y former Fiipino citizen (dahil sa ikaw ay may dual citizenship na o dahil sa ikaw ay immigrant na sa US). Ang mahalaga ay may blood relations between sa adopter at adopted child.
Second, puede naman mag-ampon ng pamangkin. Lalot na’t ikaw ay tumulong sa pagpapalaki sa bata. May social circumstances din na medyo pumapabor sa pag-aampon mo ng iyong pamangkin. Dahil nga sa ikaw ay naka-luluwag sa buhay at ikaw ay nasa ibang bansa at ikaw ay may asawa at may tinitirhan na medyo permanente.
Third, ang mahirap lamang ngayon, may mga requirements ang batas na dagdag pa doon sa karaniwang proseso ng petition for adoption. Ngayon kasi, may convention na laban sa human trafficking kung kaya’t kailangang mag-ugnayan ang social services sa US (kung saan ka nakatira) at DSWD ng Pilipinas. Papeles ito (tulad ng report at evaluation). Kailangang maipakita sa dalawang panig na talagang ang adoption ay para sa “best interest of the child”. Ganoon ang panuntunan – lagi kung ano ang pabor para sa bata, hindi pabor sa mag-aampon.
Minsan may mga “nationalistic” na mga huwes na nag-iisip na ang mga Pilipino ay dapat manatili sa Pilipinas at hind imaging parang mga tutang aampunin ng mga hindi na Pilipino dahil sa sila’y nangibang-bansa (rare naman iyon). Doon din sa America, may mga huwes na nag-iisip na napakarami ng mga batang palaboy at napabayaan para kumuha pa ng ibang bata mula sa ibang bansa. Ngunit, ang sagot mo dito ay – true blood relationship. Kahit saan bansa ata, blood is truly thicker than water.
Fourth, kailangan na ang mga magulang ng bata ay pumirma at humarap sa husgado upang patunayan na sila’y walang tutol at bukas sa loob nilang ikaw ang mag-ampon sa kanilang anak na hindi naman nila kayang buhayin. Dito din sa instrument or kasulatang ito, isasaad nila na kanilang pinuputol ang kanilang parental rights and obligations doon sa bata. By the time siguro na umabot ito sa husgado, ang bata ay mga 10 or 11 years of age na – so, pati siya ay tatanungin di lamang ng DSWD kundi pati ng husgado kung talagang gusto niyang iwan ang kanyang mga magulang para sumama sa inyo at kayo na ang maging mga magulang niya.
Fifth, may requirement din na dalawa kayo ng asawa mo na mag-ampon. So, halimbawa kung may mga anak sa una (kung biyudo o kung diborsiyado) ang asawa mo at may mga anak siyang sarili niya, kailangang may consent din ang mga ito. Kasi, kapag nag-ampon ang isang may mga anak na, mababawasan ang mana ng mga anak na nila, so kailangan ng consent nila. Ito ay sisiyasatin ng DSWD o social services.
Sixth, kailangang may kakayanan kayong mag-ampon (pinansiyal) at kailangan ding maipakita na kayo’y may lugar sa inyong tinitirhan na sapat para kilusan ng isang batang 8 anyos. Kailangang mapatunayan na kayo’y walang nakahahawang sakit, bisyong nakasasama o anupamang mga pintas sa inyong pagkatao sukat na hindi ninyo magampanan ang mga obligasyon ng pagiging isang magulang.
Seventh, huwag kayong magpa-atay-ayay – you have only until the child’s minority para siya’y ampunin para mai-bigay din sa kanya ang benepisyo ng inyong citizenship o kaya’y legal permanent resident status sa Amerika. Kapag lampas yata ng 16, kailangang mag-file pa kayo ng petition papra maging resident/citizen ang bata.
Ang pagkaka-alam ko, basta’t mayroon kayong certificate of adoption, at makikita na may blood relationship kayo ng bata, hindi ito pag-hihigpitan ng immigration, lalo na’t ikaw at ang asawa mo ang mag-aampon ng bata. Iyon na nga lang, paperwork ito at matagal na paghihintay sa proseso. Ito rin ay may interview sa immigration – hindi ata puedeng non-appearance. May mga requirement din sa health – kailangang walang tuberculosis o kahit na ano’ng infectious disease (kailangang maganda ang x-ray ng bata at kumpleto ang mga bakuna ng bata).
Matatawa ka – kahit na sino’ng sanggano sa kanto, puedeng anakan ang kahit na sinong babae – mga teen-ager nagkaka-anak kahit na kailan kahit na walang kakayanang buhayin ang mga anak – walang kumukuwestiyon – pero, ang mag-aampon, kailangan patunayan ang kanilang kakayanang maging mabuting magulang – unfair ba?
Ang sagot dito ay ganito: ang taong nag-anak ng natural na pamamaraan (nagbuntis at nagsupling) ay tinatanaw ng batas na may natural na mga damdamin na mag-tutulak sa kanilang pangalagaan ang kanilang mga anak. Samantalang ang taong mag-aampon na walang sariling anak ay baka walang karampatang damdamin ng magulang. Alam naman ng lahat na hindi laging totoo na ang mga natural at biological na mga magulang ay may malasakit sa anak – karamihan nga ay wala, daig pa sila ng aso o pusa na inaaruga ang kanilang mga anak. Ngunit, what can I say? Ito ang batas.
Maiging komunsulta kayo sa abogado dito sa Pilipinas – iyong talagang may experience na sa adoption ng relative. By the way, kumuha kayo ng abogado doon din mismo sa lugar kung saan nakatira at naka-rehistro ang bata. Hindi puwedeng sa ibang lugar ipa-file ang adoption. Doon lang kung saan residente ang bata at kanyang mga magulang. So, kung sa province, kailangan doon ka din sa province kumuha ng abogado (para hindi naman masyadong mahal).
1 person likes this