Ano po ang pwede kong gawin sa misis ko na nag abroad at bigla nya na lang tinalikudan ang kasal namin sa dahilang hindi nya maipaliwanag?
Nasa Canada po sya ngayon at hindi nya na ako kinakausap. May isa kaming anak na babae. Bigla na lang po sya tumabang sa relasyon namin at pagtagal ay iniiwasan nya na ako makausap.
Ilan beses ko po siya pilit kinauasap mabuti pero hindi siya naimik sa akin.
Wala po akong ibang babae o ginawa na labag sa relasyon namin pero basta nya na lang ako unti unti iniwan at hindi nya masabi ang dahilan nya.
Nahuli ko din po sa mga pictures nya na hindi nya na sinusuot ang wedding ring namin. Wala pa po akong matibay ibedensya sa ngayon kung may iba ba siyang ka-relasyon dun.
Maaari ko po ba sya kasuhan ng adultery kapag napatunayan ko na may ka-relasyon syang iba kahit nasa Canada sya?
At pwede ko din po ba sya kasuhan sa basta na lang nyang pag abandona sa kasal namin ng walang dahilan?
Ano po ang mga karapatan ko sa ganitong sitwasyon?
Ano po ang mga kasong pwede kong isampa sa kanya kapag nag patuloy ang ganitong sitwasyon namin?
Ikinasal po kami sa munisipyo,
Judge po ang nagkasal sa amin
at may anak po kami na isa na ako ang nag aalaga ngayon.
Dati po akong OFW.
Maraming salamat po at more power po sa site nyo.
Translation: What case can I file against my wife who is in Canada and wants to end our marriage without reason? We have a daughter. I am faithful to her and do not have any other woman. Can I sue her for adultery if there is proof that she has another man?