Change name case

Pablo Bonito
is a ofw in the Philippines

Good morning po. Ask ko lang po may kakilala po ako na isang ofw. Gamit po real name niya sa passport nagtagal siya sa Korea. Then after nya mahuli umuwi siya dito 1 year ng change name po siya tas kumuha sya passport gamit ibang pangalan nakaalis po ulit at 3 years lang siya Korea gamit yun ibang pangalan. Nakulong po sya korea 2 weeks at uuwi na sya ngayon. Ask ko po lang may kaso pa din po ba sya na haharapin dito? At nagbabalak po ulit sya mag abroad makaalis po ba ulit sya pag ganun? San po ba pwede isumbong ang mga nandadaya ng mga documents?


Translation: I have a friend who is in Korea and uses a passport under his name. But after he was apprehended here in the Philippines, he had his name changed and he used another name in his passport. He was jailed in Korea and now he is back in the Philippines. Is there still a case filed against him when he is back? Can he go abroad again?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hello, Pablo. Let me see kung tama ang pag-intindi ko sa question mo: may OFW na nagtrabaho sa Korea gamit ang sariling pangalan pero, I suppose, tourist lang ang visa niya kaya noong nahuli siya, dineport siya mula sa Korea. Bumalik siya doon pero gamit ang ibang pangalan. Kinulong siya sa Korea. Matapos ang kanyang prison sentence, pabalik na siya sa 'Pinas. So, ang tanong mo, kung may kaso din bang sasalubong sa kanya?

1st passport, genuine; 2nd passport, fake. Tama?

First, ang passport ay isang public document. So, kung siya'y nakakuha ng pasaporte gamit ang pangalan ng ibang tao, ang kanyang nakuhang 2nd passport ay fraudulent -- it ay fake.

Second, dalawa ang mga partido na na-apektuhan at naging biktima ng kanyang fraudulent act: iyung taong nagma-may-ari ng pangalang na kanyang ginamit at in-assume; at ang bansang Pilipinas sapagkat ang selyo ng bansa sa pasaporteng ginamit niya ay inilagay doon kahit irregular ang issuance.

Third, ang passport ay isang primary document to prove one's identity and nationality. Ang identity o katauhan noong taong nagma-may-ari ng isang pasaporte ay ginagarantiyahan ng selyo ng Republika ng Pilipinas. So, kung fake pala iyon, nagamit ang selyo ng Pilipinas upang garantiyahan ang nationalidad at katauhan ng isang taong hindi naman nag-e-exist or di kaya'y taong iba ang katauhan.

Sa iyong tanong kung siya'y may kakaharaping kasong kriminal dito, ang sagot ay, depende. Kung ang ginamit niyang identity ay sa kapatid o kamag-anak niya (malamang sa hindi mag-demanda iyon kahit na nasira ang lahat ng oportunidad niyang maka-punta sa Korea dahil sa nagamit ang kanyang identity sa isang deportable act).

Ang hindi ko masasagot ay kung ide-demanda siya ng bansang Pilipinas. Malaking kasiraan sa Pilipinas ang isang fake na passport -- ibig sabihin ay hindi mapagkakatiwalaan ang sistema ng issuance ng passport sa Pilipinas -- lahat ng passport na inisyu ng Pilipinas ay suspect na, kahit hindi ito fake. Nasira ang dangal ng bansa.

Kung may public prosecutor na fanatic sa 'Daang matuwid' at may ambisyon siyang pulitikal, maaaring habulin niya ang lahat ng mga OFW na ma-deport dahil sa fake na credentials. Yun nga lang risky iyon kasi, maraming OFW at pamilya ng OFW na botante sa Pilipinas. He definitely will not get their vote kung mag-higpit siya at 'sample-an' ang OFW na ito. So, malamang sa hindi mag-reklamo ang bansang Pilipiinas. At kung magreklamo man, kadaling sabihin ng OFW na hindi siya ang gumawa ng pagpe-peke, kundi agency. So, magtuturuan lamang ang mga tao, at walang maipapa-kulong. Walang sindikato sa DFA o sa POEA na mai-expose. Walang Senate Blue-Ribbon Committee hearing. So, kung may alingasngas man, panandalian lang ito.

Sad, but true.

Hindi pa kasi batas sa Pilipinas ang identity-theft. Hindi katulad sa ibang bansa na may criminal act na identity-theft. So, dito, falsification of a public document lamang. Since wala sigurong 'victim' kundi ang prestige at honor ng bansa, patay na sina Rizal atbp. so wala nang mga bayaning magsasanggalang sa dangal ng bansa.

Sa tanong mo na makaka-alis pa ba siya ulit -- well, kung maka-kuha siya ng NBI clearance dahil sa walang naka-sampang kaso laban sa kanya, at kung makaka-kuha siya ng passport sa kanyang sariling pangalan, makakakuha siya ng panibagong (3rd) passport. Hindi na nga lang siya makakabalik sa Korea. Sa ibang bansa na lamang.

Sa tanong mo na puede ba siyang maghabla laban sa mga nameke, puede, bakit hindi -- does that OFW feel like being a hero? Kailangan ng bansang ito ng selfless heroes na magtataguyod ng justice. Bakit hindi?

Sana'y nasagot ko ang iyong mga katanungan.
Mylene Fegu
is in United States
Hello po. Tanong ko lang. May kilala po akong tao na nasa saudi. Gamit niya pong name is yung sa kapatid niya. Kapag po ba nalaman na iba ang gamit niyang name e pwede siyang ipa-deport?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.