Parents were not married, but our surname is from our father, but no marriage contract from our parents

Ronilyn Ribot
is in United Arab Emirates

Magtatanung lang po. Yung nanay ko po kasi Rosalinda Almendras Lascano... Almendras po sya nung dalaga tapos Lascano nung nag asawa. Tapos po naghiwalay sila at nag asawa po ulit yung mama ko. RIBOT naman po yung surname ng pangalawa. Tapos nagkaanak po sya sa pangalawa at kami po yun. Ngayon po ginawa nilang RIBOT yung surname namin tapos nilagay nilang married sila kahit hindi naman po . Nung mga nakaraan wala pong problema pero nung nag visit visa po yung kuya ko ang sponsor po eh mama ko, dun na po nagkaproblema kasi di sila nagkaapelyido . Sa passport ng mama ko Lascano sia tapos ang kuya ko Ribot . Tinanung po kung paano sila naging mag ina. Ngayon hinihingan naman po ng Marriage contract daw po ng tatay at nanay ko which is wala naman po talaga kaming ganun .. Ano po kayang pwedeng gawin. Naoffload po kuya ko dahil dun



Topic: My mother's name is Rosalinda Almendras Lascano. Her maiden name is Almendras, which became Lascano when she got married. Now they ae separated and my mother remarried. Her surname is now Ribot (second husband's surname). They had children, which is us. They put Ribot as our surname and put that they are married, even if they are not married. In the past, there were no problems. but now when my brother had visit visa and my mother was sponsor, there was a problem because they did not have the same surname. In my mother's passport, her surname is Lascano, while my brother's is Ribot. The authorities are asking how she can be my brother's mother. They are now asking for a marriage contract to prove their parents, but my parents do not have it because they were never married. What can we do?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, ha? Medyo masalimuot ang facts. Let me see if I understand it:

Ang nanay mo, Almendras ang maiden name. Nag-pakasal siya at ang kanyang apelyido ay naging Lascano (married name). Tapos, naghiwalay sila, naki-sama siya sa iba pero, kahit hindi sila kasal, tinaglay niya ang last name nung kinakasama niya na RIBOT?

Tapos ang mga anak niya (kayo ng kuya mo) ang pangalan ninyo sa birth certificate ay Ribot?

Tanong ko, buhay pa ba si Ribot? Yung tatay ninyo? Kasi, kung buhay siya, acknowledgment of paternity lang naman iyon. Kasi, kahit hindi kasal ang mga magulang ninyo, may karapatan pa rin kayong dalhin ang pangalan ng ama ninyo lalo na kung kayo ay recognized at acknowledged niya na mga anak niya.

Example: Si Erap, iisa lang ang legal na asawa -- si Dra. Loi Ejercito, diba? Pero, lahat ng anak ni Erap sa iba't ibang babae, Ejercito pa rin ang taglay na pangalan kasi nga recognized naman ni Erap na anak niya ang mga iyon.

So, hindi kailangan ng marriage contract ng inyong magulang unless na lang na naka-lagay doon sa birth certificate ninyo na ang mga magulang ninyo ay "married". Siguro ay nakalagay don na sila'y "married" kung kaya't hinahanap sa inyo ang marriage certiicate.

Kailangang maipatanggal ninyo at ma-correct iyong "married" at sa halip, kung buhay pa si Ribot, mag-file siya ng affidavit of acknowledgment.

kaso, dahil sa status of persons ang involved dito (legitimate, illegitimate), kailangan ng kaso sa husgado. Special proceedings ito. Walang shortcut para dito. Hindi ko rin naman nakita ang mga birth certificate ninyo kaya, I am assuming a lot of things. Sorry. Kailangan ninyong komunsulta sa isang abogado dito sa Pilipinas.
Ronilyn Ribot
is in United Arab Emirates
Patay na po tatay ko .. Pwede po bang kumuha na lang ng affidavit sa abogado??
Ronilyn Ribot
is in United Arab Emirates
Tama po yung pagkakaintindi nio .. Ang problema po patay na po tatay ko ..
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, unfortunately, hindi basta basta affidavit iyon. Kasi ganito iyon: ang mga batang ipinanganak na hindi kasal ang mga magulang ay ilehitimo. Bilang ilehitimo, ang kanilang pangalan ay dapat isunod sa kanilang ina. Puede lang silang isunod sa pangalan ng kanilang ama kung sila ay recognized ng kanilang ama na sila nga ay mga anak niya kahit na ilehitimo.

kaya ganito ang batas, kasi, kung recognized ang mga batang ilehitimo ng kanilang ama, may pagkakataon silang mag-mana sa kanilang ama, kahit na ilehitimo sila. Entitled sila sa 1/2 share ng isang lehitimong anak.

So mahalaga talaga ang "recognition" ng ama. Ngayong, ang problema ninyo, fraudulent ang pagkaka-rehistro sa inyo. Lumalabas na kayo'y lehitimong anak ng tatay at nanay ninyo kahit na hindi naman sila tunay na kasal. So, kung ang ginamit ninyong mga pangalan ay ang pangalan ng tatay ninyo (Ribot), dapat mapatunayan ninyong may karapatan kayong dalhin ang pangalan ng tatay ninyo -- dahil nga sa payag siya, dahil nga sa recognized niya kayo.

Ang tanging makakapag-gawa lamang ng affidavit of recognition (ito iyong form sa likod ng birth certificate) ay ang inyong ama. Kung hindi siya pumirma doon noong kayo'y ipa-rehistro, dahil nga sa nag-panggap sila ng nanay ninyo na sila'y kasal kahit hindi, wala kayong karapatang dalhin ang pangalan ng tatay ninyo.

Kaya't kung nais ninyong mapatunayan na kayo'y anak na tunay ng inyong ina pero dala ninyo ang pangalan ng inyong ama dahil sa kayo'y recognized niya, you have to prove it in court. Kailangang may mga litrato kayong kasama ng tatay ninyo. Kailangang may mga sulat sa inyo ang tatay ninyo na ang tawag sa inyo ay "anak" mga bagay na makapag-bibigay ng prueba na sa mata ng inyong tatay, kayo ay tinanaw niya bilang mga anak niya.

This cannot be done any other way except through special proceedings sa husgado. Matagal na proceso ito at kailangan ninyo na mag-sampa ng petition. You need a lawyer for this.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, bakit nga ba hindi na lang mother ninyo ang gumawa ng affidavit of recognition sa inyo? Kasi, siya ang nasa America, at siya ang nais na mag-petisyon sa inyo. Dapat, siya ang mag-prove na kayo ay related sa kanya.

Itanong sana ng nanay ninyo sa abogado sa Amerika kung puedeng siya na lang ang gumawa ng affidavit of recognition sa inyo na kayo ay kanyang mga illegitimate children pero ang inyong pangalan ay isinunod sa inyong ama na nag-recognize sa inyo. Puede din iyon.

Kung hindi kasi puedeng pa-kanan, bakit hindi subukang pa-kaliwa ang kabig? Wala namang mawawala kung magtatanong sa isang immigration lawyer sa America, diba? Para hindi na kayo magka-gastos dito.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.