Naku, the other day lang ay may-nag-post ng link sa isang seminar tungkol sa immigration sa Canada. Teka, susubukan ko kung makikita ko pa ang link sa facebook ko para i-share sa iyo ang link na iyon......
Hindi ko na makita. Pero, I'm sure may bayad din iyong seminar na iyon. Ang mas maganda ay deretso da na sa website ng Canadian Embassy. Kasi, from time to time, naglalabas sila ng advisory kung anu-anong mga trabaho ang kailangan nila.
Kapag doon ka direktang mag-apply sa Canadian Embassy, sigurado ka na walang placement fee at lehitimo ang employer, hind fly-by-night. May friend ako, sinamahan niya lang ang kaibigan niyang RN para mag-inquire sa Canadian Embassy. Pag dating doon, nakita niya na needed ang mga bakers sa Canada at open for immigration kung qualified.
Isip niya, wala namang mawawala kung mag-apply siya, right there and then nag-fill up siya ng application form kasi bakery sa Pilipinas ang kanyang business. Embassy ang tumawag sa kanya. Andun na siya at ang buo niyang pamilya. Green card holder na kaagad.
Ang Canada kasi ay isang welfare state. Tapos, ang mga populasyong ng Canada ay tumatanda na. kapag walang mga batang magta-trabaho at maghuhulog sa kanilang social security at magbabayad ng mga buwis, walang makukubrang social security benefit ang mga retiradong matatanda, kaya agresibo silang mag-recruit para sa green card jobs.
Subukan mo doon -- wala namang mawawala sa iyo. Minsan nga lang ay hindi glamoroso ang trabaho. katulad noon, panadero -- siya mismo ang nagluluto ng tinapay, samantalang sa Pinas, siya ang may-ari ng bakery. Yun nga lang, nasa Canada naman siya at buo niyang pamilya.
Libre lahat sa Canada basta't ikaw ay may social security at green card (kindergarten hanggan sa University pati sa ospital, nakakapag-pa-coronary by-pass surgery ang mga tao nang walang binabayaran).
Good luck sa iyo. God bless you and guide you.