Ito ang mga pagkakaiba ng Tax Declaration at ng Transfer Certificate of Title (TCT):
Ang TCT ay conclusive proof of ownership o ebidensiya ng pagmamay-ari ng lupa, samantalang and Tax declaration ay isa lamang ebidensiya ng pagbabayad ng buwis. Kahit na sino, maski ang isang taong nangungupahan lamang sa isang pirasong lupa ay maaaring i-declara ang mga improvements na kanyang ipina-tayo sa lupa (katulad na lamang ng mga puno ng manga o coconut na para sa copra, mga imbakan o barn, bathroom o mga extension sa bahay).
Ang TCT ay hindi ini-isyu kundi doon lamang sa owner in fee simple (o iyong naka-bili, naka-mana o nakatanggap ng donasyon).
Ang TCT ay may talaan na tuluy-tuloy hanggang doon sa Original na Certificate of Title kung kaya't mate-trace ang lahat ng nag-may-ari ng lupa.
Kapag ang lupa ay rehistrado sa ilalim ng TCT o Torrens system, kahit na 100 daang taon na may manirahan doon na walang pahintulot ng registered owner, hindi mapapa-sa kanya ang lupa dahil sa ang karapatan ng may-ari ay IMPRESCRIPTIBLE (hindi naglalaho sa paglipas ng panahon).
Kapagn na-isyu na ang TCT, ito ay hindi maaaring atakihin nino man kundi sa husgado lamang at kung mayroon lamang proof ng fraud (pandaraya o panloloko) na naganap.
Mas matibay na panghawakan ang TCT. Ang tax declaration ay hindi matibay na prueba ng pagmamay-ari ng lupa. Ito ay prueba lamang ng pagbabayad ng buwis sa lupa. At ang buwis na binayaran ay iyong real property taxes na sa local government unit binabayaran.
Ang TCT ay insured at ito ay protektado ng Day Book at ng registry sa Land Registration Authority. Pati ang technical description na nasa TCT ay conclusive na hangganan at sukat ng lupa sapagkat ito'y ayon sa survey plan ng gobyerno at ayon sa mga records na existing ng iba pang mga lupang naka-rehistro na nasa paligid ng lupang rehistrado sa ilalim ng TCT.