Ang sagot ko sa tanong ninyo na may makukuha ba kayong benepisyo mula sa OWWA even ater ten years na kayong nag-resign sa posisyon ninyo bilang nurse sa Saudi ay: depende.
Una, kung ang inyong contrata bilang nurse ay POEA approved at existing na ang OWWA noong mga panahon na kayo'y nagtrabaho bilang nurse sa Saudi, maaaring rehistrado kayo sa OWWA. Kasi, bawa't alis po ninyo, may maliit na porsiyento ng inyong mga binabayad ang nagiging hulog ninyo sa OWWA. Ito ay ini-invest ng OWWA para ito'y kumita at ito ay minsan pina-uutang o ito'y ginagamit sa mga proyekto ng OWWA.
Kung kayo'y miyembro ng OWWA (compulsory po ang membership sa OWWA kung ang inyong contrata'y dumaan sa POEA, pero ito ay hindi compulsory kung kayo'y direct hire sa inyong pagiging nurse) makaka-kuha kayo ng kaonting benepisyo. Pero kung kayo'y hindi miyembro, ang binibigyan lamang ng tulong ay yaong mga na-biktima abroad dahil sa illegal recruitment o human trafficking. Ito ay financial assistance, hindi benefits. Ang benefits ay laan lamang para sa mga miyembro ng OWWA.
Pangalawa, ang benefits ay kalimitang in-kind. Mayroon silang livelihood and entrepreneurship training (para sa mga dating OWF na hindi na makaka-balik sa pagta-trabaho abroad) dahil sa nagka-giyera sa dati nilang pinagta-trabahuhan, o di kaya'y namatay ang OFW dahil sa biktima sila ng krimen abroad at ang kanilang pamilya dito na umaasa sa kanilang sahod at kita ay biglang nawalang ng kabuhayan.
Pangatlo, ang talagang benepisyo ng isang OFW na may POEA-approved contract ay iyong nasasaad sa contract of employment. kasi nga, ang contract of employment ang siyang "law between the parties" kung kaya't ang mga terms and conditions nito ang siyang batas sa pagitan ng empleyado at and kanyang employer at agency.
Pang-apat, kayo ay nag-resign. Ibig sabihin ay kusang loob at bukal sa loob ninyo na kayo ay hindi na magta-trabaho sa Saudi. Ibig sabihin ba'y hindi kayo tinanggal sa inyong employment (wrongful or illegal termination o breach of employment contract). Malamang sa hindi saklaw ito ng pondo ng OWWA.
Pang-lima, dapat ay sa SSS kayo'y magtanong din dahil sa mandatory din ang SSS coverage para sa mga OFW kung tutuusin. So, kung kayo'y nag-miyembro at nag-hulog, may matatamo kayong benepisyo. Kahit na nag-resign pa kayo.
Pang-anim, ang makasasagot ng inyong katanungan ay ang mismong OWWA. May mga OWWA regional offices naman. Please go there and inquire.