What legal action against agency that took my passport and asked me to wait 7 months but no job order?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

What legal action ang pwede kong gawin sa agency ko. Kasi April pa po nila kinuha ang passport ko at documents hanggang ngayun Nov, andito pa rin po ako. Kinuha po nila passport ko na wala pa po lang job order at visa. 7 months na po ako waiting, sabi ticket na lang pero wla pa rin po. nag resign po ako sa trabaho kasi ang sabi nila 1 month lang daw makakalis na ko. Pwede ko po bang i withdraw ang application kahit my visa na ito at pabayaran sakanila yung hinintay ko na mga araw na wala nman pong nangyari? Thanks po.


Translation: What legal action can I take against my employment agency? Last April they took my passport and other documents and until now (November) I'm still here in the Philippines. They took my passport but there is still no job order and visa. I've been waiting for 7 months now. They told me that they are only waiting for the ticket, but until now I'm still here. I resigned from my job because they told me that it would only take around a month before I would be deployed for work abroad. Can I withdraw my application even if I already have a visa and ask them to pay for the days/months that I have been waiting?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Well, puede kang sumubok na mag-file ng complaint laban sa agency na iyan sa POEA para mabawi mo ang iyong mga papeles. Puede ka rin namang mag-file ng illegal recruitment. Kasi, kung wala naman palang job order, o wala naman palang mga papeles, bakit kinuha ang mga papeles mo for processing eh, wala pa pala naman silang pag-papasukan sa iyo?

kasi, sa ilalim ng mga rules ng POEA, ang isang agency ay puede lamang mag-hire kung may job order na sila. Hindi sila puedeng tumanggap ng mga aplikante tapos, saka ihahanap ng trabaho. Ang mga agency kasi dito ay mga representative ng mga employer sa ibang bansa. So, kailangang may trabaho na, saka pa lamang sila hahanap ng mga aplikante. Kapag kumuha na ng mga aplikante pero wala pang job order, illegal recruitment iyon.

So, sa Prosecutor's Office ka na pumunta. Humingi ka ng assistance sa POEA or kaya'y komunsulta ka na sa abogado. Kasi, kung sa POEA ka lamang magrereklamo, fine lang laban sa bond ng agency ang pinaka-mabigat na parusa. Pero kung illegal recruitment ang ikakaso mo, criminal case ito. So, may makukulong. kasi, kung ganoon ang gagawin mo, mas malaki ang chance na makukuha mo ang mga papeles mo.

Dapat talaga'y hindi ka magre-resign muna sa trabaho-- habang wala ka pang napipirmahang job contract. Minsan nga, may job contract na, nau-unsiyame pa. So, doon sa pagre-resign mo, hindi na kasalanan ng agency iyon. kasalanan mo iyon kasi, naniwala ka sa mga pangako at hindi mo ginamit ang common sense mo. Dapat, may nakita ka munang job order bago mo ibinigay ang iyong papeles. Dapat ay may resibo ka doon sa pagkaka-kuha nila sa iyong mga papeles. Dapat ay may kopya ka ng mga pinirmahan mo. Dapat, wise ka.
Yanyan Malaca
is in the Philippines
may pinirmahan po ako na contract from the KSA company po mismo na MAY 1 po ang start ng training ko sa saudi. after ko po maipasa ang mga papers ko pina medical na po nila ako at ang sabi po ng agency two weeks or within one month lang makakaalis na ko. may copy po ako ng kontrata na MAY 1 po ang start ko. then po ngayon, yung papasukan ko po palang clinic don sa KS hindi pa nag ooperate at ibang license po ng clinic ang nasa sponsor ng visa ko. at ang sabi po ng agency sakin 'hindi naman namin alam na magiging ganito katagal ang processing".. tama po ba na hindi nila alam? thanks po sa response.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, mabuti at nagdagdag ka ng information.

Heto ang aking masasabi: kapag iba iyong pangalan ng employer sa kontrata na iyong pinirmahan at iba din ang employer/sponsor na nakalagay sa visa mo, naku, red flag iyan. kasi, ibig sabihin ay may mga iba't ibang kausap ka diyan. Baka iyong agency dito ay agency sa Pilipinas ng isa pang Agency din sa KSA at hindi mismo employer ang kausap nila sa KSA. kaya naman, iba't iba ang pangalan.

So, para ma-proteksiyunan mo ang sarili mo, tanawin mong nakabuti ang delay na ito. kasi, kung halimbawa, dito sa POEA, ibang pangalan ng employer ang naka-rehistro tapos pag dating mo doon, sa iba ka pala naman din ma-de-deploy at iba din naman ang terms ng iyong mga sahod at benepisyo -- mahirap namang andun ka na, nag-iisa at walang makakausap o masusulingan.

Dapat ka nang mag-reklamo. Ang delay ay hindi dahil sa walang trabaho kundi't dahil sa kawalan ng kasiguruhan kung sino nga ba talaga ang employer mo, ano ba talaga ang job mo o trabahong papasukan at ano ba talaga ang terms.

Tama ka, hindi puedeng sabihin ng agency dito na hindi nila alam na magtatagal ang ito. Dapat ay kung May 1 ka pa pumirma, May 1 pa ay naka-alis ka na't ikaw ay nagta-trabaho na't sumasahod na. So, malamang sa dapat ka nang magreklamo.

Dapat siguro'y mag-file ka ng money claims sa NLRC na pinaka-malapit sa inyong region. Kasi, kung ikaw ay naka-pirma na ng contrata, dapat ay may suweldo ka na. Dahil sa hindi ka pa sumusuweldo, dapat ay ibalik sa iyo ng agency sa Pinas ang iyong papeles at bayaran ang oras mo nang paghihintay dahil sa pinapirma ka na ang contract of employment. Wala namang bayad ang mag-file sa NLRC. Sabayan mo na rin ng file ng complaint sa POEA at sabayan mo na rin ng file ng illegal recruitment sa prosecutor's office.

Una, dapat ay seryusohin ng mga agency ang pagde-deploy ng mg OFW. Dapat ay turuan sila ng leksiyon na ang isang taong nais mag-trabaho at pinangakuan ng trabaho'y hindi nila dapat pahintay-hintayin ng walang kasiguruhan dahil sa nagugutom ang mga tao. So, dapat bayaran nila ang iyong paghihintay na hindi mo naman kasalanan.

Ito lamang ang nakikita kong solusyon para makuha mo ang iyong mga papeles, at makapag-apply sa ibang trabaho.
1 person likes this
Yanyan Malaca
is in the Philippines
yun nga po mam.. and then sabi po sakin ng HR ng company sa KSA.. ang training daw is sa qatar kasi nga daw po hindi pa nag oopen ang branch nila sa KSA.. derma nurse po ako mam. pero ang nakalagay na location ng work sa Riyadh at hindi po sa Qatar. Ang pinirmahan kong kontrata mam SILKOR pero ang sponsor ng visa BEAUTY CLINIC.. kaya sa pag stamp ng visa sa saudi embassy nagkaroon ng problema, pero ngayon naayos na daw kasi may binago daw po. bakit po ganun mam. salamt po sa payo nyo.
Yanyan Malaca
is in the Philippines
atty. pwede ko po ba ipakita sa inyo yung mga pinirmahan ko para makita nyo po. salamat po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, Yanyan. Kapag tinignan ko yung mga papeles mo -- I am in fact, giving you a specific legal opinion para sa kaso mo. Hindi puede ito. Kung makikita mo, puro generic lang ang advice based sa kung ano ang sinasaad ng batas. Iyon, puede kong gawin. Puede kong sabihin kung ano ang batas at paano ito makaka-apekto sa mga buhay-buhay. Kung ano ang mga options ng mga tao sa ilalim ng batas at kung ano ang pinaka-magandang gawin para sa proteksiyon ng mga karapatan ng tao. Pero, kapag tinignan ko ang mga papeles mo, I am engaging in work as an attorney -- hindi puede iyan. Bawal sa mga abogado ang mag-solicit ng business.

Ganito na lang, pumunta ka na lang sa Office of Legal Aid ng University of the Philippines o kahit na ano'ng university na malapit sa inyo na mayroon College of Law. Puede kang humingi ng tulong sa kanila. Puede ka ring humingi ng tulong mula sa Integrated Bar of the Philippines -- nagbibigay din sila ng Legal Aid. Huwag sa akin. Hanggang advice lang ako kung ano ang nilalaman at sinasaad ng batas. Iyon ang limitasyon ng internet.

Good luck sa iyo at sana'y maka-alis ka na nga sa tamang panahon. Minsan kasi, naiinip tayo at napu-frustrate, dahil nga sa kailangan nating maghanap buhay talaga at ito lamang ang inaasahan. Pero, minsan, ang mga delay ay mabuti din -- nade-develop ang ating patience, ang ating faith (mas napapalapit tayo sa Diyos) at minsan, sa kalaunan, makikita nating, mas mabuti nga pala ang na-delay ka kasi, baka ikaw ay sadyang iniiwas ng Diyos sa mga bagay na makapagpapahamak sa iyo -- we never really know. So, sa akin, God makes things beautiful in His time. Iyan naman ay sa aking pananaw lang. Salamat sa iyong mga post.
GRace REpolidon
is in the Philippines
Hi,gd day po,ask lng po ako,anu b dapat ko gawin at saan b pwd mgreklamo 4mnths n po ako ng atay dtos agency wla p din ngyari x abrod po ako wla p pp dw visa at contrata saan b pwd mgreklamo sir tnx
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gud day po ask ko lng po kng forfitted na ung reklamo sa akin ng agency kc po dapat paalis na ak bound to ksa Nkapirma na po ak contract tpos my tiket at oec na po ak tpos nag back out ak 1day before ng flight ko tpos po nagkita kmi sa attorney sa poea hnd po gsto ng agency na byaran ko ng monthly ung ginastos nila sa akin gsto nila full payment po ang ibgay ko sbi po nmin ng tita ko iakyat po nmin ung reklamo sa admin ng poea yun po hanggang ngyn wla na po ak balita sa relamo nila simula nung june 2016 anu po kaya ibig sabihin nun tnx po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
MaAm,, tnong ko lng po kung mkukuha ko pa un passport ko,, matagal na po sa agency un, 2014 pa ng dec. ngmedical nq at vacc, nkapirma n ng contract,, un nga lng ncancel dw un project ng companya n pupuntahan ko kya nd ntuloy,, un mga kasama, nun ng withdraw cla ng passport nd binigay kya ngpunta p cla POEA,, nkuha nila nun april 2014, nd ko nkuha un skn kc nbaon nq sa utang, kkagastos,, mkukuha ko p kya passport ko?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello po,ask q lng po kng my karapatan ang agency na ipatubos samin ang passport nmin,nag apply po kc aq hanggang ma expires ang medical q dpa dn po aq nakaalis,taz tinawagan po uli aq at sinsabi nila my visa na samantalng wala pa po naman aq pinirmahan kontrata,at pinaluluwas po nila uli ako pra i medical,kaya pinacancel q na po,ngayon po kailangan q dw tubusin passport q at bayadan pti visa kuno,pa helo po ano dapat gawin,salamat po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.