Pwede ba ako magsampa ng kaso ng contract substitution sa agency? File lawsuit against employment agency

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Hi Atty. Pwede ba ako magsampa ng kaso ng contract substitution sa agency kahit natapos ko yun contract? Pero yun substitute contract un na-implement sa trabaho which is hindi naman verified ng POEA? At halos magkaiba ang nakalagay sa altered saka sa verified ng poea. Nakarating na po ako ng pilipinas last August sa awa ng Diyos. Tinakot saka hinawakan ng employer yun mga documento namin kaya hindi po kami nakauwi agad dito sa pinas.





Translation: Can I file a case of contract substitution against employment agency, even if I have finished the contract? But the substitute contract is not verified by Philippine Overseas Employment Agency, and the contract is different from that which is verified by POEA. I came back here in the Philippines last August. The employer threatened us, that is why we were not able to come back home to the Philippines immediately.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, I am confused. You did not state the most important facts. Ibig mo bang sabihin, ikaw ay naka-alis sa ilalim ng isang POEA-approved contract? Tapos, pag dating mo doon sa ibang bansa, ibang employer, ibang trabaho at ibang halaga ng suweldo o sahod ang ibinigay sa iyo?

Ikaw ba ay tinanggal sa trabaho mo doon sa abroad nang walang dahilan? WEre you illegallly dismissed? May mga benepisyo ka ba sa ilalim noong POEA approved contract na hindi naibigay sa iyo doon sa actuwal na substitute contract?

Kasi, if your answer to these questions is "yes" you can file a case with the NLRC for illegal dismissal and for money claims. Sorry na nga lang at medyo abbreviated ang sagot ko sa iyo dahil sa kulang-kulang naman ang mga facts na iyong ibinigay. Post ka ulit, dagdagan mo ng facts para naman maintindihan ko ang problema.
Thania Ormilla
is a ofw in the Philippines
ganito po, ako po ay nahire d2 sa pinas through agency papuntang bahrain, then binigyan po ako ng offer letter, at bago ako umalis pumirma ako ng model contract at pinaverified daw ng agency which is un nkastamp is july 2008 pero umalis ako july 2012, at pagdating ko po sa bansa na un pinilit po ako papirmahin ulit ng bagong contract na,at kapag hindi ko daw pirmahan ako ay mgbabayad kung mgkanu ang gastos nila sa akin at ako ay uuwi sa sarili kong gastos. at un nanhingi ako ng contract nila ng copy ay wala nman verification ng labor attache, at ang trabaho ay halos 10-15hrs napo na as per site requirements pa without overtime pay at hinold na po nila un mga documents ko,kaya wala na kmi magawa hanggang sa natapos un 2yrs. gusto pa nila ako mgextend ng 2months na as per contract daw nila.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, iyon pa lamang na pagpapa-pirma sa inyo ng "model" contract ay illegal na. Kasi, what you signed here in the Philippines na contract-- iyon na ang binding sa inyo noong agency at noong employer.

So, talagang violation iyan. Ang pinapirmahan sa iyong contract ay isa lamang kontratang ginawa para maka-pasa sa POEA pero, hindi iyon ang tunay na trabahao, hindi iyon ang tunay na terms. So, ang binding ay iyong approved sa POEA. Kung ano ang mga terms doon, iyon ang dapat mong matanggap. So, dahil sa natapos naman ninyo ang kontract, ang maisasampa ninyo ay money claims lamang -- ang inyong basehan ay iyong original na pinirmahan na kontrata. Iyon ang dapat ninyong matanggap na sahod at benepisyo at iyong nilalaman noon ang dapat na mga oras ng inyong trabaho.

May palugit ang pagpa-file ng mga money claims sa NLRC. Kailangan ay three years mula noong matapos ang inyong kontrata at ikaw ay naka-balik sa Pinas. Kung lampas na ng three years iyon, hindi na puedeng mag-file.

So, please, humanap ka noon abogadong bihasa sa NLRC. Magpa-consult ka, magpa-advice ka (kahit PAO tumatanggap na ng kaso sa NLRC -- walang bayad sila, pero, sa award mo, bibigyan ang PAO ng 10% ng award bilang attorney's fees) -- huwag matahin ang PAO -- marami sa kanila'y expert sa pagharap sa NLRC. Kaya pag-nag-retire, nagpa-practice sila sa NLRC. May mga mahuhusay na abogado sa PAO.

Puede ring humingi ng advice at libreng legal aid mula sa Integrated Bar of the Philippines. Mahuhusay din ang mga abogado doon at may puso para sa public service.

Good luck sa iyo!
OFW din po ako kakauwi ko lang po galing KUWAIT nagtatrabaho bilang Cook sa isang restaurant sa kuwait na pag-aari nang isang negosyanteng kuwaiti national pero ung nagpapalakad nang business nya ay lahing egyptian. Nagsasahod po ako nang 85kd kada buwan sa contrata na 2years. Ang nag recruit po sa amin ay ang Lead Resources Management Corp nagpromise po cla na ung contrata namin na 85kd ay pansamantala lamang at ito ay tataas nang 10kd per year. Pero hindi talaga ito natupad. Nanatili parin kami sa sahod na 85kd. Nung nag pa legal advise kami dun sa kuwait sinabihan kami nang lawyer na ma dedeport po kami and may possibility na papaalis kami nang accomodation namin at ma harrassed kami nang mga kuwaiti national dun. Sa sobrang takot namin tinapos lang namin ung contrata. Sa kasamaang palad na dukot po ako nang mga kuwaiti nationals dun at dinala ako sa desserto dun ako binugbog na muntikan ko nang ikamatay pero nung time na dinukot ako nakaduty po ako sa trabaho ko. Nung nag complaint po ako sa police station at nagpamedical ung manager ko nang ibang lahi tapos sinabihan ako nang baka daw ung habol ko daw ung insurance. "Sino naman sa katinu-ang isip ang magpabugbog para lang sa insurance na yan" ayon wlang participasyon ung company ko sa nangyari sa akin. Nung nakauwi na kami dito sa pinas. Tinanung ko ung mga rights ko as an OFW. Kai ung mismo contrata namin is 85kd sa letter offer pero dun sa approved POEA job salary ay 120kd tapos pinapasign pa kami nang waiver sa agency dito manila na papayag ba kami na sasahod lang kami nang 85kd instead of 120kd sa loob nang dalawang taon. Tapos ung placement fee po ay 28,000pesos samatalang ung sahod lang namin kada buwan php12,070/month. Tanong ko lang may habol po ba kami sa agency for excessive collecting of placement fee and. Substitution of contract? Thank you very much

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.