Paano magreklamo sa POEA ng illegal recruiter? May nagrecruit po samin na direct job sa Japan, magbibigay lang daw po ng 20k para pang process ng papers. March 2016 kami nagbigay. Sabi po wait lang daw para pagsign sa visa application.
Then nag intay po kami, July na po wala pa din po nangyayari. So nagdecide kami na magback out at irefund nalang yun pera.
Then, nagbigay po sila ng palugit na August daw maibabalik ang pera, pagdating daw po ng employer. Then wala pa din po. Sabi nila November daw po, ngayon month. Matatapos na po yung November wala padin po.
Kaya irereklamo nalang po namin sila sa POEA. Tanong ko lang po paano magreklamo dun kung wala naman po silang agency? Tapos ngayon under po sila ng Baymax agency pero yang agency na yan wala pa din po sa poea. Nag aapply palang daw po ng license. Paano po ba magandang gawin dun? Salamat po