May kapatid po akong lalaki na nurse po sa Saudi. First time po sya umalis ng Pinas. Hanggang March 2017 po ang contract nya sa ospital na pinagtatrabahuan nya.
Bago po sya umalis dito sa Pilipinas na alter po ng agency yung COE nya. Imbes po 1 yr 6 months ginawang 5 yrs po. Alam po ng kapatid ko yun at pumayag sya dahil sa breadwinner po sya ng pamilya namin at may cancer po ang tatay.
September 2016 nalaman po ng Saudi Ministry of Health (parang DOH po dito sa Pinas) at currently under investigation na po sya. Kinuha po ng HR ng Ospital ung passport ng kapatid ko at nilipat po sya sa ibang department.
Sa ngayon po pinapakuha ang kapatid ko ng COE nya na totoo dito sa Pinas at ipasa sa HR nila. After po nun investigate pa daw sa Ospital at pati sa Saudi Ministry of Health.
Sabi nila sa brother ko maaring mangyari po sa kanya ang ganito:
1. Materminate at pauwiin na lang
2. Makulong po sa Saudi
3. Magmulta
Anu ano po ba nag rights ng kapatid ko lalo po nasa Saudi po sya at mag isa lang sya dun? Nadedepress na po sya at natu truma sa nangyayari. Gusto na po nyang umuwi. Kanino po sya hihingi ng legal advise at pwede po makatulong sa kanya dun? Ayaw po syang tulungan ng Agency nya dito sa Pinas at maski ang Ospital na pinagwoworkan nya ay di sya supportahan against sa Saudi Ministry of Health. ;-(