Diagnosed with hypertension and diabetes but normal after medication. Can medical certificate say "unfit for sea service"?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Naatasan po ako ng aking manning agency na magpa re medical sa isang accredited clinic nila. Na diagnosed po akong may hypertension at diabetes mellitus type 2. Pinayuhan ako ng doctor na mag medication for one week, then nag pa test uli ako at normal naman ang resulta. Pinadalhan ng report ng clinic ang manning agency informing them na na diagnosed ako na may hypertension at diabetes at normal na ang level nito sa pamamagitan ng gamot na nireseta sa akin. Hinihiling ng clinic na aprubahan ng manning agency ang rekomendasyon nilang ituloy ko ang gamutan kahit na akoy nasa barko na, hinde pumayag ang manning agency kagyat ang marka ng aking medical certificate ay 'unfit for sea service' makatuwiran po bang markahan ng clinic ang aking medical certificate ng 'unfit' dahil lamang sa hinde pagpayag ng manning agency sa rekomendasyon ng clinic na ituloy ko yung maintenance medication ko sa barko? Kahit pasado naman lahat yung medical ang physical test na ginawa sa akin? Tinanong ko na po ang clinic baket unfit ako, ang sagot nila sa akin hinde inaprub ng agency ko yung rekomendasyon nila para sa aking maintenance medication sa barko. Sabi ko sa clinic na pasado naman ang lahat ng test na ginawa nila, dapat kako 'fit for sea service' ang marka ng medical certificate ko. Sabi sa akin ng clinic ganun po daw talaga yun. Parang unfair naman yata kung ang babasihan nilang unfit ako ay dahil sa hinde pag payag ng agency sa rekomendasyon nila at hinde sa merits ng resulta ng aking medical exam na kung saan naipasa ko naman lahat ang test sa akin at dapat 'fit for sea service' ako. Mali po ba ako at tama ang clinic? Pupwedi ko bang puwersahin ang clinic na palitan nila ang marka ng aking medical certificate from unfit to fit? Paano po? Thanks po and God bless po.



Translation: I was asked by my manning agency to take medical check up with their accredited clinic. I was diagnosed with hypertension and diabetes mellitus type 2. The doctor told me to take medication for one week, then I was examined again and the results was normal. The clinic sent a report to the manning agency informing them that I was diagnosed with hypertension and diabetes, but now after taking medication, they are back to normal levels. The clinic also recommended that I continue the medication when I am on board the ship, but the manning agency does not approve of this, so they marked my medical certificate "unfit for sea service". Is this right?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Palagay ko'y ikaw din iyong nagtanong kamakailan patungkol din dito. O baka pareho lang kayo ng kaso noong isa pa ring sea farer na ganiyan din ang hinaing. Marahil ay laganap itong practice sa Pilipinas.

Sa totoo lang, ang tanging makapag-sasabi na ikaw ay 'fit for sea service' ay ang isang medical doctor. Ang kanyang opinion ay base sa kanyang personal knowledge sa iyong kondisyon at kalagayan noong ikaw ay kanyang tinignang. Iyong ay kanyang personal opinion na ikaw ay fit for sea service kahit na ikaw ay may hypertension at diabetes mellitus. Ang mga sakit na ito ay laganap ngunit kung ang kondisyong ito ay controlled sa pamamagitan ng medication at lifestyle change (diet at exercise), maaaring makapamuhay at makapag-trabaho ng normal ang isang tao.

Gayun pa man, ang desisyon na ikaw ay tanggapin as 'fit for sea service' ay nasa manning agency pa rin. Nasa sa manning agency kung tatanggapin nila ang findings at recommendation ng accredited doctor nila na ikaw nga ay fit for sea service. Dahil sa ayaw ka nang tanggapin ng manning agency, walang magagawa ang clinic kundi ilagay na 'unfit for sea service' ka, Bale, ang medical certificate na sana'y proof mo na ikaw ay maaaring i-deploy sa barko ay naging ebidensiya na sumusuporta sa manning agency na ikaw ay hindi payagang sumampa sa barko.

Sa tanong mong makatarungan ba na sa iyong medical certificate ay baguhin ng clinic ang kanilang findings at gawing 'unfit for sea service' matapos na noong una ay ilagay na 'fit for sea service'. Ang sagot ay, hindi. Hindi makatarungan.

Makatarungan bang tanggihan ng manning agency na ikaw ay i-deploy bilang seafarer dahil sa ikaw ayy na-diagnose na may hypertension at DM? Ang sagot ay hindi. Ngunit, sa isang banda, ang manning agency ang mananagot sa ilalim ng batas kung ikaw ay maubusan ng gamot habang nasa gitna ng karagatan at ikaw ay atakihin sa sakit sa puso. Ang hypertension ay isa sa mga senyales na ikaw ay mayroon dinaramdam sa iyong circulatory system na siyang magiging dahilan ng atake sa puso kung sakaling ikaw ay masa-ilalim sa matinding stress habang naglalayag. Una, mapanganib ang paglalayag. Pangalawa, mabigat ang trabaho sa barko. Pangatlo, malungkot ang malayo sa pamilya at sa loob ng anim o walong buwan, wala kang matanaw kundi ang walang-hanggang tubig. Ang lahat ng ito ay stressful. So, kahit na may medication ka, may panganib pa rin na tumaas ang iyong presyon habang ikaw ay nasa karagatan. Sa halip na pakinabangan ka sa serbisyo, ikaw ay malamang na maging pabigat pa dahil sa ikaw ay mararatay habang nasa dagat at magiging alaga ng ship's doctor.

Iyon ang risk na ayaw tanggapin ng manning agency. Sila kasi ang kinatawan noong shipping company at sila ang sumusuri kung sino ang pinaka-angkop na magtrabaho sa dagat. Hindi mo inilagay kung ano ang edad mo. I can just imagine that you must be in your middle age (between 40-50). So talagang malaki ang risk na ia-assume ng manning agency at ng shipping company kung papayagan kang sumampa sa barko na ikaw pala ay may sakit. Traidor pa man din ang hypertension.

Sa pagtanggi ng manning agency na ikaw ay i-deploy, ikaw ay ayaw na nilang i-hire, sa madali't sabi. Hindi ba't sa bawat sampa sa barko ay may isang kontrata ka? At hindi lagi sa iisang ship ka sasampa, diba? May pagkakataong sa ibang ship na pagma-may=ari din ng shipping company ikaw made-deploy. Ibig sabihin nito'y sa bawat sampa mo sa barko, panibagong contrata ito. So ang pagtanggi sa iyo ng manning agency mo ay refusal na ikaw ay i-re-hire. Dito'y may karapatan at obligasyon ang manning agency na pangalagaan ang interest ng kanilang principal (ang shipping company). Ang kanilang kailangang kuhaning seafarers ay iyong mga fit lamang para hindi magka-gastos ang shipping company kung ikaw ay biglaang magkasakit habang nasa dagat.

Yung manning agency kasi, marami siyang mga principal (iba't ibang shipping company na nangangailangan ng mga seaman). Siya ay agent noong shipping company kung kaya't dito sa Pilipinas, siya ang nagha-hire ng mga seafarers. Sa bawa't pag-sampa mo, panibagong kontrata iyon. So, kung matapos kang bumaba ng barko at ngayon ikaw ay nag-apply muli upang sumampa at ayaw ka nang tanggapin, hindi mo mapipilit ang manning agency na ikaw ay i-hire. Hindi ka naman kasi empleyado noong manning agency kahit na sampung taon ka na nitong hina-hire at dine-deploy. Kahit na sa bawa't pagsampa mo ay iisa't iisa lamang ang ship at shipping company na iyong pinagta-trabahuhan. Bawa't sakay mo sa barko ay panibagong contract at ikaw ay empleyado lamang ng kumpanya sa loob noong panahon ng kontrata. Matapos mag-expire ang kontrata, ikaw ay hindi na empleyado ng shipping company. Walang employer-employee relationship sa pagitan mo at nung manning agency. Ang employer-employee relationship ay sa pagitan mo at noong shipping company -- at ito'y natatapos tuwing matatapos ang iyong kontrata.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.