Nag apply po ako sa isang agency noong August 21 na nagpost sa Luneta na urgent hiring for Aug 31 deployment.
Nag punta ako ng office nila at nainterview at cinonfirm na for Aug 31 deployment. Natanggap naman ako ng agency at pinapasa mga documents for approval ng principal. After 4 days na approve po ang line up ko sa isang barko nila. Binigyan ako ng medical at traininings at Cyprus endorsement.
Pagkatapos ng training at medical nagkapirma na po ako ng kontrata, pero di pa na-process sa POEA. Na-delay ang Aug 31 na deployment at sabi sa September 10-15 na naman. Pero September 9 nag report ako for follow up at sabi hindi daw ako makakasama sa deployment.
Ngayon nag fofollow up ako sa kanila at hindi pa alam ang schedule para sa deployment ko hanggang ngaun.
Nagtanung ako kung pwede pa mag withdraw ng documents kaso babayaran ko lahat ng training at medical kasama ang Cyprus endorsement.
Dapat ko po bang bayaran ang mga trainings at medical para ma withdraw aking mga documents? Hanggang kelan ba ako dapat maghintay bago ko pwedeng kunin mga papeles ko?
Salamat po sana mabigyan nyo po ako ng advice