Naku, anonymous 2. Kahit saan bansa ka pumunta, kung ang visa mo ay turist, ikaw ay bisita lamang. kaya pumapayag ang mga bansa na bumisita ka, para gumastos ka ng tourist dollars doon. Ngayon, kung ang pakay mo ay magtrabaho, ikaw pa ang kikita mula sa kanila -- so, dapat, may working visa ka, kasi, ikaw ay kukuhanan nila ng buwis at social security na panagot din naman kung ikaw ay magkasakit habang naroon ka.
Kahit saang bansa, ang mag-trabaho habang ikaw ay covered lamang ng tourist visa ay isang criminal act na isang ground for deportation. maraming Pilipino, ganito ang trabaho -- hindi ko naman sila masisi dahil sa mahirap talaga ang buhay. Ang problema nga lang ay dahil sa pag TNT ng ibang Pilipino, iyong mga lehitimong nagta-trabaho na mga Pilipino, nadi-discriminate kahit na mahusay sila at sila'y nagko-contribute sa ekonomiya noong mga lugar kung saan sila'y nagta-trabaho.
Please, huwag ka nang maghanap ng trabaho kung tourist ka lang. Parang malaking kabastusan sa hospitality noong bansang nag-welcome sa iyo. At saka, maraming mga sindikato ngayon na alam nilang vulnerable ang mga TNT kung kaya't kung anu-anong gusot ang napapasok dahil sa pagkapit sa patalim. Mahirap na buhay iyan, malungkot at mapanganib.
So, kung gusto mo, maghanap ka ng mga posibilidad, pero, umuwi ka muna at i-proceso mo ng maayos ang mga papeles mo bago ka magtrabaho doon. malay mo, baka immigrant visa kaagad -- eh, di , buong pamilya mo, mabibiyayaan. mataas ang antas ng social care, health care at education sa New Zealand -- kapag nahuli kang illegal alien, baka magsara na completely ang mga pinto ng New Zealand para sa iyo sa future --- sayang naman.