Hello, hindi ko masyadong maiintindihan ang mga facts. Let's see kung tama ang pag-intindi ko. Ikaw ay OFW na nasa Jeddah -- kasalukuyan kang nagta-trabaho doon sa ilalim ng isang kontrata. Hindi pa tapos ang kontratang ito, nang ikaw ay makatanggap ng isang job offer sa Saudi Arabia.
Una sa lahat, ang job offer ay isang offer of employment. Parang offer to buy or offer to sell. Kapag pumirma ka noong, ibig sabihin ay seryoso mong kinukunsidera ang kanilang offer.
Kumbaga, para ka lang nag-apply sa trabaho. Pero dahil sa hindi mo pa natutukoy ang mga partikular ng job offer, hindi pa siya binding bilang isang contract of employment. Ang susunod na step kasi diyan, ay ang pag-pirma ng job contract mismo.
Dahil sa hindi ko nakita ang pinirmahan mo, hindi ko masasabi kung binding ito. Kapag may mga salitang 'I promise' o kaya 'I undertake' -- yan ay mga tanda na binding ang nature noong job offer.
Kung ito ay isang binding contract na, malamang sa makasuhan ka kung ikaw ay aatras. Pero, tignan mong mabuti. May kopya ka ba noong job offer na pinapirmahan sa iyo? Kung ang mga terms doon ay hindi pareho noong terms sa contract of employment mo, may lusot ka. Kasi, iba ang ini-offer sa iyo, iba ang nakalagay sa contract of employment.
May ipinasa ka bang mga requirements? May binayaran ka bang placement fee? Ito ay mga palatandaan na binding na sa iyo ang job offer na iyon. Ang dahil sa magkaka-gastos na yung agency (dahil sa lalakarin ang papeles mo sa POEA), malamang sa kasuhan ka nila. Hindi claro sa akin kung Philippine placement agency ba ang nagpa-pirma sa iyo ng job offer or isang principal na mula sa Saudi. Kung isang Pilino placement agency, wala naman silang cause of action sa iyo kundi collection noong ginastos na nila para sa paglalakad ng papeles mo sa POEA. Kung Saudi principal siya, malamang sa diyan ka kasuhan ng breach of contract. Again, hindi ko alam ang laws ng Saudi Arabia (kung pera-pera lang ba ang mga ganitong asunto o kaya'y may kasamang kulong). Kung diyan ka sa Saudi kakasuhan, well, siyempre, mahihirapan ka dahil sa magkaka-gastos ka diyan, abala at ang isa pa'y baka ang trabaho mo ngayon ay ma-lagay pa sa alanganin.
Ngayon, baka naman matagalan ang processing, matapos na ang kontrata mo sa Jeddah bago pa man lumabas ang approval nung POEA_approved contract sa bagong job offer. Eh, di, wala kang sabit doon.
Sana'y mas nai-detalye mo ang kuwento mo at nang medyo ma-detalye din ang aking sagot sa iyo. Good luck sa iyo!