Agency paid for my medical exam, but what if I back out?

Janeth Raz
is a DOMESTIC HELPER in the Philippines

ASK KO LANG PO NAG APLY PO AKO SA AGENCY SINAGOT PO NILA ANG MEDICAL KO. NGAYUN PO PAG UMATRAS AKO, MAG BABYAD AKO NG 5,500 KAPALIT NG AKING PASSPORT. TAMA PO BA SILA?




Translation: I applied through an employment agency and they paid for my medical exam. If I back out, I would have to pay 5,500 in exchange for my passport. Is this right?




 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko tuwirang masagot ang iyong tanong kung tama ba sila o hindi. Kailangan kong malaman ang iba pang mga detalye.

Una, may pinirmahan ka bang kasunduan sa kanila na sila ang sasagot ng medical mo?

Pangalawa, nakasaad ba doon sa pinirmahan mong kapag umatras ka ay babayaran mo ang medical mo?

Pangatlo, ano ang dahilan ng iyong pag-atras?

Normally, ang iyong passport ay property mong personal at ito ay hindi maaaring gamiting prenda para masigurong babayaran mo ang iyong pagkaka-utang. Pero, kung ang agency ang gumastos para makakuha ng passport para sa iyo, may karapatan silang hindi i-release sa iyo ang passport mo hanggang sa mabayaran mo ang nagastos nila upang ito'y makuha.

Kailangang may kasunduan kayo at kailangang ito'y nakasulat. Kailangan din na maliwanag ang dahilan ng iyong pag-atras. Kung halimbawa, ang dahilan ng iyong pag-atras ay ang ibinibigay sa iyong contract ay iba doon sa iyong in-apply-an or ang suweldo sa contract ay iba doon sa ipinangako sa iyo, ang kasalanan ay sa agency at dapat kang mag-habla upang maibalik sa iyo ang iyong passport.

You need legal assistance. Kailangang sulatan ng abogado ang agency na iyan demanding the return of your passport. Marahil sa kailangan ka ring mag-habla sa POEA at nang mapilitang maki-pag-kasundo sa iyo ang agency na iyan. Kung talagang may valid kayong kasunduan na ia-advance muna nila ang pampa-edical mo at ibabawas na lamang sa iyong salary ang pambayad dito kapag ika'y na-deploy na, kailangan lamang na bayaran ang mga pagkaka-utang. Diba?

Magpatulong ka sa Public Attorney's Office o di kaya nama'y sa Office of Legal Aid sa University of the Philippines College of Law or kahit na ano'ng law school (meron silang office of legal aid). kailangan mo lang ng barangay certificate para magpatunay ng iyong indigency (na hindi mo afford ang magbayad sa pribadong abogado dahil nga sa hindi ka pa nakaka-alis at hino-hold ang passport mo).

Hope this helps you, Janeth. Happy New Year and may this new year bring you good luck. God bless you.
Janeth Raz
is a DOMESTIC HELPER in the Philippines
HAPPY NEW YEAR ATTY BIMBI PERA KO PO ANG PINAG BAYAD KO PARA SA PASSPORT KO PO.ANG SINAGOT LANG NG AGENCY PO AY YUNG VIDIO PICTURES AT ANG MDICAL KO PO ANG HALAGA PO NG VIDIO PICTURES 2K PO SA MDCAL 3500 PO ANG PINIRMAHAN KO PO AY YUNG AGREMENT LANG NGA NAKASAAD KUNG SAKALI PO NA ND AKO TUTLOY AT KUWANIN ANG PASSPORT PO YUN PO ANG BABAYARAN KO NA 5500
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Janeth, dahil sa ikaw ay may pinirmahang kasunduan na ire-reimburse mo iyong agency doon sa ginastos nila na P5500 para sa medical at sa video pictures mo, kailangan mong bayaran iyon dahil sa ikaw naman pala ang umatras. Iyong ay isang obligasyon mo at kung mag resibo namang patunay na ganoon talaga iyong halagang nagastos ng agency para sa pictures at medical mo, at hindi ka kinukuwartahan lamang, obligasyon siyang ligal (base sa mga sinabi mo). Yun nga lang ang hindi ako sang-ayon sa ginawa ng agency mo ay iyong i-hold ang iyong passport. Yung passport ay sa iyo personal property mo iyon. Hindi naman ginastusan ng agency iyon. Hindi nila dapat ito gamitin para mapilitan kang magbayad noong obligasyon mo. Maski sa Civil Code, bawal na kuhanin ng isang pinagkakautangan ang mga ari-arian ng nagkakautang upang mapilitang ito'y magbayad sa kanyang pagkaka-utang. Dapat talagang mag file ka ng complaint sa POEA para makuha mo ulit ang passport mo. At habang nandoon, malamang sa papirmahin ka ng isang promissory note. OK lang iyon. Bayaran mo na lamang sa kanila. Pero, hindi makatarungan na pigilan ka nilang maka-pag-proseso ng iyong mga papeles dahil lamang sa may pagkaka-utang ka sa kanila. Good luck sa iyo, Janeth at Happy New Year. Naway's sa bagong taong ito'y yumabong ang biyaya ng Diyos sa buhay mo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.