Attorney, ano po ba ang pinaka mabuti pong gawin ang kapatid po ng tatay namin at ang pamilya namin ay nakatira po sa iisang bubong na minana nila sa kanilang magulang. Ang gusto po kasing mangyari ng tiyahin namin ay umalis kami ngunit wala naman po kaming sapat na pera para maka-upa. At bukod din po duon gusto po ng tiyahin namin na ma-eject po kami bilang co-owners sa property na minana nila sa kanilang pamilya. At ngayon po atty. iniisa-isa po kami ng aking pamilya na sampahan dahil daw po sinasagot namin siya. Ang sa amin naman po sumasagot kami sa kanya dahil ipinaglalaban lang po namin ang aming karapatan. Atty. matulungan nyo po sana ako. GOD BLESS po sa inyo at sana po ay marami pa po kayong matulungan, mabigyan ng mga pangunahing solusyon.. Salamat po ulit.
Translation: The sibling of my father and our family are living in one roof/house, which they inherited from their parents. My aunt would like to force us out of the house, but we do not have enough money to find another house/place to rent. Our aunt also wants to remove us from becoming co-owners of the property that was inherited from their family. My aunt is now suing each one of us one by one, because we are supposedly talking back at her. From our side, we are answering back, because we are fighting for our rights/claim/what is due to us. Please advise us what we should do and what is the best solution to this problem.