May gusto lang po ako ikonsulta sa inyo about sa lupa.
May minanang lupa po ang nanay ko at ang kanyang mga kapatid mula sa lola namin, 7 po sila para 350 sqm. Di lahat nakapagpatayo sa lupang iyon. May isang kapatid ang nanay ko nakakatayo ang bahay sa lupa na iyon higit sa sukat na inaasahan nya. Samakatuwid, sobra sobra ang sukat ng bahay nya sa lupa na iyon. Ngaun nung nagkapera ang nanay ko po sya ang gumastos para kumuha ng geodetic ung taga sukat ng lupa yata at malinaw na lumalabas na iyong isang kapatid ng nanay ko ay sobra sobra sa 50 sqm na dapat na kanya lang. At inabisuhan din kami ng geodetic na dapat mag alot ng 20 sqm para sa right of way. Dahil ung kapatid ng nanay ko ang nakapwesto sa unahan at ung mga nasa likod ay walang madaanan kaya dapat meron daw right of way. Ngaun gagawa na sana ng right of way ayaw pumayag nung kapatid ni nanay ko kesyo maraming reason at ung ibang kapatid ng nanay ko gusto na magtato sa lupa di makapagpatayo dahil na occupy nila ang halos kalahati sa lupa. Ang nais nung naka occupy ay bayaran sila sa mga nagastos nila sa pagsesemento at etc. tama ho ba iyon? E sa una palang bakit sila nagtayo ng kung ano man dun at ngaun gusto na kunin ng may-ari pinagbabayad pa sila nito? Ano po ba ang sabi ng batas ukol dito?