Hay, Joy, wala ka palang ka-joy-joy sa pag-aasawa. Sa tingin ko, hango sa mga sinabi mo sa post mo, parang may psychological incapacity nga ang asawa mo kasi, hindi siya makapag-control sa kanyang sarili at kahit na siya'y may-asawa nang tao, naghahasik pa rin siya ng binhi sa bukirin ng may bukirin.
So, I think lang, baka may grounds ka. Kailangan kasi ng psychologist or psychiatrist para patotohanan ang mga ito.
Ang isang problema ng pag-papa-annul ay kailangang andito ka sa Pilipinas. Ikaw ay pipirma sa petisyon sa husgado. Ikaw ang haharap sa Prosecutor kasi, ang prosecutor, iimbestigahan kayo kung kayong dalawa ba ng iyong asawa ay gumagawa lamang nga kuwento o usap para ma-annul ang inyong kasal.
Tapos, kailangan ding andito ka kasi, kakausapin kayo ng husgado. Susubukan ng husgado na kayo'y pagkasunduin kasi, baka naman kayo'y makapag-pa-tawad pa at makapag-balikan ng pag-ibig sa isa't isa.
Dapat din nandito ka dahil sa ikaw ay tetestigo. Ikaw din ay makikipag-panayam sa isang psychiatrist or sa isang psychologist para masabi ng psychologist o psychiatrist na ikaw nga ay may sira ang ulo ( mas maigi dn kung dalawa kayo ng asawa mo ang ma-suri ng psychiatrist para makita ng psychiatrist kung sino talaga sa inyo ang may sira sa ulo -- pschological incapacity kasi ang tanging ground ng annulment).
Kailangang may ebidensiya ka -- mga resibo sa ospital, mga litrato, mga birth certificate ng mga supling ng iyong asawa sa iba. Mga sulat or liham, email, mga text ng husband mo sa iyo, etc.
Matagao ang proseso, makain ng panahon. at mabigat dalhin sa dibdib dahil sa magkikita kayo, mauungkat pa at mabubusisi ang mga sugat na dapat ay naghilom na. Mananariwa nanaman ang mga hinanakit at sama ng loob na ganoon -- at ito ay ihahayag sa harap ng mga tao sa husgado. So, iyan. Kailangan ang iyong presence dito sa Pilipinas para-ma-annul ang kasal mo sa lalaking iyan.