Bumili po ng sasakyan ang pinsan ko pero naibenta nya po to sakadahilanan na sya ay nagkasakit. Hindi nya po naayos sa banko ang pagsasaling ng responsibilidad ng pag babayad buwan buwan dun sa pangalan ng nakabili pero meron po kaming deed of sale. Ngaun po nagsampa ng kaso ang bangko laban sa pinsan ko dahil hindi po pala nagbabayad yung nakabili ng sasakyan nya sa banko. May laban pa po ba kami dun kasi po ibinenta na rin nung nakabili yung sasakyan at ngaun dinala sa Mindanao? Ano po ba ang pwede naming ikaso sa bumili ng sasakyan? Pwede po bang makulong ang pinsan ko dahil sa naging utang nya sa banko?
Maraming salamat po sa pagsagot.