Hi po sa mga attorney po at sa inyong lahat. Ako po si Joseph. May isasangguni po ako tungkol po sa lupa na kinatatayuan po ng aming bahay. Ito po ay minana po namin sa aming namatay na lolo na halos 50 years na po ang aming pamilya nakatira duon.
Dumating po ang panahon na gusto na po kaming paalisin ng apo ng may ari ng lupa na isa na pong American citizen at ilang taon narin po itong namatay sa Amerika at wala po syang will para sa mga naiwan nya at wala rin po ang mga anak nya dito sa Pilipinas. Puro mga apo lamang po at wala rin po silang tax na binabayaran sa lupa. Tanong ko lamang po. Ano po ba o may karapatan po ba kami sa lupa na lagpas 50 years na po kaming nakatira? Maraming salamat po