Bago lang po kami kinasal ng asawa ko dito sa Dubai Consulate, mga 3 months lang. After 3 months, hinawalayan ako dahil napabago isip niya at pakiramdam niya hindi pa daw siya handa. Ewan ko anung nangyari sa kanya at bigla nalang nag-iba. Nag umpisa nag-iba nung naka pasok siya ng bagong trabaho sa hotel. Wala din kami malaking issue na maaring dahilan ng napa disisyon niya na isang tabi ang aming kasal. Biglan nalang siya umalis at hindi na nagpa kita. Sa cellphone at facebook nalang ang aming communication.
Kinausap ko siya na ipapatuloy namin ang aming kasal dahil na umpisahan na namin to. Ewan ko kung anung nangyari sa kanya at bigla nalang ayaw na niya daw at gusto siya magpa-isa sa buhay dahil daw hindi niya daw magawa ang kanyang mga gusto at limitado na daw ang kanyang mga kaibigan. Kinausap ko siya na gagawin ko ang gusto niya kahit papaano ma ayus lang ang aming problema, pero ayaw na talaga na niya. Na ubos ko na talaga ang aking pasensiya at hayaan ko nalang siya.
Ang tanong ko lang po, kasi bago lang kami kinasal sa consulate, may natanggap kami na email mula sa consulate. Na dispatch na daw ang aming certificate at ipapa followup daw namin sa NSO. Hinayaan muna nalang namin ang email hanggang maayus namin ang problema. Ang tanung ko lang po kasi hindi namin na followup ang email with reference number. Valid na bah yung kasal namin kahit hindi namin na followup ang aming registration?