Hay naku, kahit na ang mga rubber o bouncing o unfunded checks ay wala nang kulong ngayon, meron naman itong multa. Higit doon, mayroon na ang mga banko at lending institutions na black list. Kapag may mga payments ka na hindi good ang checke, it will usually land you on the black list. Sa susunod na mag-apply ka ng loan -- kahit na bayad na ang utang mo, andun ka pa rin sa black list dahil sa ikaw na ngayon ay hindi "good credit risk". Ito ang naidudulot ng internet -- ang mga private transactions ay maaaring malaman na ng mga tao sa pag-gu-Google lamang sa iyong pangalan.
Ito'y itatanggi ng mga banko, pero, ang mga ahente na nagke-credit investigation at iyong mga collection agency ay may mga listahan. It's not official so it cannot be regulated, but banks are trying to protect themselves.
Ano ang puede mong gawin?
1. Huwag i-cancel o stop-payment order ang mga cheke. Ito ay isang hudyat na ikaw ay ayaw magbayad.
2. Instead, sa pag-dating ng due date ng iyong cheke, palitan mo ng cash. Kaliwaan. Pumunta ka sa banko, magbayad ka (dapat may resibo) at dapat ay ibalik sa iyo ang iyong "redeemed" check.
3. Makipag-usap sa banko kung puedeng i-restructure ang loan o di kaya'y humingi ka ng grace period o kaya'y magdagdag ka ng security or collateral sa loan. Makipag-usap sa banko kung paano at kung mayroon bang puedeng alternative na mode of payment other than check payments.
4. Huwag pabayaang basta tumalbog ang cheke.
Tandaan, ang gusto ng banko ay bayad. Ayaw nila ng asunto o ng inconvenience. Gusto nila ay tuluy-tuloy ang daloy ng pera. doon kasi sila kumikita, sa pagdaloy ng pondo sa kanilang mga kamay.
Tandaan, ang mga mga banko ay mga tao din. Alam din nila kung paanong magipit. Bukod dito, kung malaki-laki ang loan mo, dapat ay may insurance ka (iyong repayment insurance -- ito ang panagot mo at nang banko kung sakaling ikaw ay ma-injure, mamatay o di kaya'y mawalan ng hanap buhay).
Kung ang lahat ng paki-usap ay hindi maka-buti sa iyo, at ikaw ay ihabla, payment din lang ang makaka-salba sa iyo. Makiusap ka na babaan ang monthly payments o habaan ang term. Kahit na sa husgado, maaaring makipag-settle. Uli-uli, huwag ka nang mag-i-issue ng cheke kung wala namang pondo o walang panagot. Huwag mong gamiting ang mga cheke na debt instrument kasi ito'y sakit ng ulo. Mag-pa-automatic debit ka na lang sa isang bank account.
Ang suma tutal noon ay pareho lamang, pero, kung automatic debit, mahihirapang ang banko na i-prove ang iyong utang o fraud. Simple non-payment of a debt lang at collection ang kanilang magiging asunto laban sa iyo. If all else fails, talk to a lawyer.