Paano ang proseso sa pag apply ng declaration para sa lupa at bahay? Hindi naman kalakihan yung lupa at bahay, pero nais ko sanang magkaroon ng seguridad para sa hinaharap.
Ginawang Highway ng gobyerno ang kalsada namin sa province at dahil doon may mga space sa gilid na medyo malawak kaya inayos namin at ginawang pantay ang lupa. Pinatayuan namin ng bahay nung 2009 at may tanim kaming puno gaya ng rambutan at mangga.
Nagtanong ako kung pwede kong patitulo at sabi ng mga tao hindi daw dahil government property daw ito, ngunit maari daw ako mag apply ng declaration.
Kaya nais kong malaman kung totoo ba at kung paano iprocess at kung magkaano ang gastusin.