Encumbrances real estate - Nalaman ko sa registry of deeds ng bulacan na ang titulong naka pangalan sa akin-questioned documents

Edison Hontanuevo
is in the Philippines

Nalaman ko sa registry of deeds ng Bulacan na ang titulong naka pangalan sa aking yumaong ina. ay mayroon ng encubances naka saad na meron deed of absolute sale naka perma ang aking ina at panganay na kapatid at affidavit of lost sa nasabing titulo . Pero ang original na titolo owners copy ay nasa sa amin. Nabawi po ba at pano maisalin sa aking pangalan ang nasabing lupa..?


Ang nakasaad sa deed of sale ay nabili sa halagang 350k noong 2009 ang lima 5 titulo nang lupa sa iisang deed of sale ang apat ay nasa posesyon umano ng nakabili..


Nalinlang daw po si inang isanla lang daw po pero ang ginawa deed of sale.. dalawa po kaming magkapatid ako ang nagsagawa upang maitama. Ano ang aming karapatang legal?


Ang aming balita sa nakabili ay baldado daw po nasagasaan




Topic: I found out from the registry of deeds in Bulacan that the land title under my mother's name already has encumbrances. It is stated that we have a deed of absolute sale that was signed by my mother and my eldest sibling and affidavit of lost for the said title. But the original land title (owner's copy) is still with us. Can we still have this title recovered and changed to my name?

It is stated in the deed of sale that the land was bought for 350 thousand pesos last 2009 (5 land titles in one deed of sale, and 4 of which are in the possession of the buyer). My mother was tricked into pawning the property when in fact a deed of sale was made instead. We are 2 siblings and I am taking care of this case. What are our rights? (We heard that the buyer is disabled, hit by a vehicle.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Buhay pa pala ang inyong ina? Mabuti kung ganoon. Pero, dapat, ngayon pa lamang ay magsampa ka na ng kasong kriminal at civil. Una, iyong kasong kriminal ay dapat na isampa para mapatunayan na nilinlang ang iyong ina, dinaya siya upang makuha ang kanyang mga ari-arian. Pag ito ang iyong isinampa, magugulat ang kapatid mo at baka mapilit mo pa siyang iayos ang mga bagay-bagay.

Sa sibil, kailangan kasing mapa-walang bisa ninyo ang mga deed of sale at iba pang mga papeles na magiging basehan ng iyong kapatid na maipa-lipat ang titulo sa kanyang sariling pangalan.

Sa totoo, lahat kayong magkakapatid ay dapat na mag-hati sa mga lupaing ito, hindi puedeng mapunta ang lahat sa kapatid mo. kapag nag-file ka ng mga kaso laban sa kapatid mo, puede mong ipa lis pendens ang mga titulo para hindi ito maibenta o maipa-lipat sa pangalan ng iba.

Time is of the essence. Dapat kumuha kayo agad ng abogado. Dapat, habang buhay pa ang iyong ina ay gumawa siya ng perpetuation of testimony. Sa harap ng hukom ay ilahad niya ang lahat ng mga nangyari. Kasi, siya lamang ang tanging makakapag-bigay ng testimoniya na siya'y na-loko. Kung mag-kasakit ang iyong ina at mawalan siya ng ulirat, mahihirapan kang patunayan ang mga ginawang panloloko ng kapatid mo. Aksiyunan mo agad sa lalong madaling panahon.

Kung wala kayong pambayad sa abogado, I suggest na kayo'y dumulog sa Office of Legal Aid sa University of the Philippines College of Law. matutulungan nila kayo. Ito ay matatagpuan sa first floor ng Malcolm Hall sa UP Diliman. Good luck!
Edison Hontanuevo
is in the Philippines
atty. bimbi,

yumao na po si ina. nasa amin po ang original na titulo ng lupa owners copy kapangalan kay ina. Pagpunta ko sa reg. deeds bulacan nalaman ko may naka attach. may deed of sale ang nasabing lupa at affidavit of loss na nawala daw po ang nasabing titulo.yng deed of sale na iyon ay nakasaad na ibenenta ni inang ang 6 anim na tituladong lupa at isa ang lupang aking idinulog sa inyo na nasa amin ang original na titulo.
pero ang lupang iyon ang nasa amin pangagala gusto nga po namin itong ibenta matanda napo kami at sana matikim man lamang kaunting kaginhawaan wala po akong asawa at dalawa lang kaming magkakapatid at iisa lang dn ang kayang anak hiwalay na sa asawa kaya itoy aming inaasahan bagkus akala namin na walang problema kasi nga nasa sa amin ang titulo nito.

gumagalang,
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
I see. Ganoon pa din ang sagot ko. Kailangang dumulog kayo sa husgado upang maipa-tigil ang pagpapalipat ng titulo sa pangalan ng iba lalo na't hindi naman totoo na nawala ang owner's duplicate copy. Halatang ang ito ay isang fraudulent transaction.

Sayang at kinamatayan na ito ng inyong ina. Kasi, siya lamang ang makatatanggi sa lahat ng sasabihin noong nag sanla/nagbenta ng lupaing ito. Kailangan ding ipa-suri mo sa NBI questioned documents department kung ang pirma ng ina mo doon sa mga papeles na nai-file sa RD ay mga huwad niyang pirma. Bukod dito, Kung ang kanyang mga pirma ay authentic naman ngunit nalinlang siya (wari ba'y sinabi sa kanyang isasanla lamang ngunit ito pala'y binenta na at inilipat na sa pangalan ng iba). Ikaw ay isang heir ng iyong ina kung kaya't ikaw ay may karapatang kuwestiyunin ang pagkakabenta ng lupa na dapat ay bahagi ng inyong mamanahin.

Good luck sa iyo. At, dapat mong aksiyunan na kaagad ito. Kailangan mong magsampa ng habla sa lalong madaling panahon -- bago pa ito mailipat sa iba nanamang tao (third party) na wala nang alam tungkol sa fraud na nangyari. Kasi, kung ang lupa ay nailipat na sa third party na innocent purchaser for value, hindi mo na mahahabol pa ang lupa.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.