Pagpapatitulo ng Lupa - Land title

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Magandang araw po sa inyo. Hihingi lang po ako ng kaliwanagan sa mga katanungan ko. Mayroon pong minanang lupa ang lola ko sa kanyang mga magulang ngunit wala po itong titulo. Ang katunayan lang po na ito ay pamana ay ang kopya ng Declaration of Heirs na hawak ng knyang anak ngayon. Namatay po ang lola ko nitong Marso 2014 at dahil sa laki ng gastos ay napagdesisyunan ng magkakapatid (4) na ibenta na lamang ang lupa para mabayaran ang kanilang pinagkakautangan. Ang tanong ko po ay kung anu ano pong proseso ang dadaan namen para maibenta ang lupa kahit wala pa po itong titulo. Maari po ba un? Sana po ay matulungan nyo po ako. Maraming salamat po.



Topic: My grandmother inherited a piece of land from her parents, but it does not have a title. The only proof of this is a copy of "Declaration of Heirs". My grandmother died this March 2014 and her children decided to sell the land to pay for the expenses and debts incurred. What is the process that we should undergo in order to sell the property? Is it possible?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, nahihirapan akong isipin na meron pang mga lupa sa Pilipinas na walang titulo. Ang hinala ko, may titutlo na ang lupa ninyo pero, mother title ito at hindi pa naipapa-hiwalay iyong inyong lupain mula sa mother title. Ang isa pang maaaring explanation dito, ay baka ang inyong lupain ay kinokonsidera na 'inalienable' lands sa ilalim ng Constitution kung kaya't ito'y hindi puedeng ipatitulo.

Kaya ko nasabi ito, kasi, lahat halos ng mga lupain na agricultural sa Pilipinas ay covered na ng Torrens system. Pero, kung totoo ngang ang inyong lupain ay hindi titulado, pasensiya ka na sa sasabihin ko, pero, napaka-haba ng prosesong ito.

Una, dahil sa ang Lola mo noong siya'y nabubuhay pa ay maraming tagapag-mana, ang kanyang mga karapatan sa lupang ito ay mapupunta sa kaniyang heirs (ang mga magulang ninyo at kanilang mga kapatid). Tapos, yung share ng magulang ninyo, iyon lamang ang mapupunta sa inyo.

Kung kayong lahat ng heirs ay sang-ayon na ito'y ibenta, kailangan ninyong idaan ito sa extrajudicial settlement at partition. Mapanganib ang magbenta ng lupang walang titulo dahil sa kahit na sino ay puedeng pumasok sa lupa at mag-squat doon at kung matatag siyang maninirahan doon sa loob ng 30 years, mapapa-sa-kanya ang lupang walang titulo.

Having said that, I doubt kung may buyer kayong mahahanap na payag bumili ng lupang walang titulo. The best thing na puede ninyong gawin ay komunsulta sa isang abogadong ang specialty ay lang titles and deeds.
Princess Diamsay
is a non-Filipino member from the Philippines
Atty.magtanong din po ako..ang lola ay matandang dalaga at ako na ang nagtutustos sa sakanya sa mga pang araw araw at kaialnagn nya,dahil sa napamahal ako sa lola,ang kanyang mumunting bahay nuon ay pinatayuan ko ng malaking bahay dahil sa malaki ang lupain na ito.may mga kapatid po sya na sakim pero may mga asawa na,saakin po ipinamana ni lola ang lupa at bahay dahil s alaki na din ng aking nagastos,ano po ang dapat kong gawin para talagang what ever happen is safe ang bahay at lupa na pinamana ni lola saakin.apo po ako sa tuhod..pls reply

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.