Ang isang taong mag-alaga ng aso ay may responsibilidad na siguraduhing hindi maka-pinsala ang kanilang alagang aso. Lalo na't kung ang aso ay malaki at ito ay may lahi (katulad ng Pitbull o Rottweiler) na may reputasyon bilang mabangis.
So, para ma-prove na ang may-ari ng aso ay pabaya, kailangan ipakita na ang aso ay hindi naka-tali o hindi naka-kulong sa kanilang bakuran. Kung ang aso ay hinahayaan lamang na gumala, ito ay hindi responsable. Kung ang aso ay hindi napa-bakunahan (may 5-n-1 na bakuna laban sa mga karaniwang sakit ng aso -- three shots ito. Bukod sa initial na shot, may booster din ito taun-taon. May anti-rabies shot taun-taon. may anti-heartworm din taun-taon.) Kailangang ang aso ay may collar.
Kung ang aso ay pumasok sa bakuran ng may bakuran at doon sa kapit-bahay nangagat, ito rin ay prueba ng kapabayaan. Kung ang aso ay naka-kagat na noon pa man at ito'y hinayaan pang maka-kagat muli, ito din ay isang kapabayaan.
Siyempre, kung ang aso ay tinukso o pinagmalupitan ng tao, kaya't ang aso ay nangagat --upang proteksiyunan ang sarili, well, ibang usapan na iyon. Gayon pa man, kung maka-kagat ang aso (kahit na sabihing, nakikipag-laro lang ang aso at nagalusan lamang ang taong kalaro) sagutin pa rin noong may-ari iyon. Kasi, pag-aari niya iyong hayop na iyon.
Hindi naiintindihan ng mga tao kasi na ang pag-mamay-ari ng aso ay isang pribilehiyo, hindi karapatan. Kung paanong kailangan na ang isang tao, bago bumili ng sasakyan ay mayroon munang garaheng pag-paparadahan ng sasakyan, ganoon din ang pag-aalaga ng aso. Lahat ng mabangga ng kotse, may kasalanan man o wala, may bayarin pa rin ang may-ari ng sasakyan -- ganoon din ang nagmamay-ari sa aso -- lahat ng makagat ng aso niya, may pananagutan siya -- ang tanong lamang ay kung magkano. kasi nga, naka-pinsala.