My Japanese husband died, and I want to adopt a Filipino boy- Permanent resident po ako sa Japan. Namatay na ang asawa ko hapon at wala kami anak

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Permanent resident po ako sa Japan. Namatay na ang asawa ko hapon at wala kame ng anak. Gusto kong mag ampon ng bata sa pilipinas at dalahin sa Japan. Ano po ang mga dapat gawain?



Topic: I am a permanent resident here in Japan. My husband, a Japanese, died and we do not have any child. I would like to adopt a child from the Philippines and bring him here in Japan. What can I do?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, teka, medyo mahihirapan ka. kasi, dito sa Pilipinas, kailangan na ang mag-aampon ay mag-asawa. Iyan ang prioridad. Lalo na kung ang aampunin ay hindi kamag-anak o kadugo.

Mahihirapan ka din kasi, ito ay sasailalim sa tinatawag na inter-country adoption. ito ay isang convention ng UN kung saan ang Pilipinas ay nakapirma. So, kailangang mag-file ng petition or adoption dito sa Pilipinas, tapos, kailangang ang mga social worker sa bansang Japan ay magsasagawa din ng pag-aaral para makita kung ikaw ay may saat na lugar sa iyong bahay para sa bata, kung ikaw ay may sapat na hanapbuhay na pantustos. Kung ikaw din ay may sapat na emotional maturity para maging magulang.

Tapos, ang aamupunin dito sa Pilipinas ay sasailalim din sa pagsusuri kung ang ugali ng bata at ugali mo ay medyo magka-bagay. Titignan kung tunay nga at dalisay ang iyong mga hangarin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata at hindi para ito ay gawing katulong lamang, o taga-pag-alaga sa iyo sa iyong katandaan.

Titignan din kung ikaw ay may sapat na gulang (kailangang at least 14 years ang tanda mo doon sa bata. kailangan ding malaman kung may mga magulang at kamag-anak ang bata dito at kung sila'y papayag na ampunin mo ang bata.

Ibang usapan siyempre kung ang aamupunin mo ay iyong pamangkin or apo o kamag-anak. Bagama't sasa-ilalim pa rin ito sa tinatawag na inter-country adoption, iba siyempre kung kadugo mo ang bata, kasi, inaakala ng batas ng mas makabubuti sa mga bata kung sila'y mapunta sa pangangalaga ng kadugo kaysa sa pangangalaga ng mga di-kaano-ano.

Ang suma tutal, kailangan mong makipag-ugnayan sa isang abogado dito sa PIlipinas at sa Japan para maisakatuparan ang adoption. Magastos, ma-trabaho, matagal at masalimuot ang proceso.

May mga nababalitaan na ako na may mga babae sa Pilipinas na naanakan ng kinakasama o boyfriend tapos, iniwan. Minsan, ang gusto lamang nila ay maibigay ang bata sa mga may mabubuting kalooban. handa silang iluwal ang bata, pero, ang bata ay ire-rehistro na sa pangalan noong mag-aampon.

Ito ay isang act of fraud na kadalasan ay nangyayari sa Pilipinas, sad to say. Minsan dahil n a sa kahirapan noong gustong mag-pa-ampon ng anak. Minsan naman, talagang naiinip na lamang dahil sa dehado ang lahat sa tagal ng proseso ng adoption. I do not advise you to do this. Sinasabi ko lamang sa iyo na ito ang nababalitaan ko. Medyo delikado ito.

kapag ang mga magulang ng bata ay mag-nasa na bengansahin ka, ikaw ay isusuplong bilang isang child trafficker-- kahit na mahusay mong pinalalaki ang bata, siya ay tatanawin ng batas na kidnapped at siya'y batang na-traffic. So, ikaw ay makukulong -- huwag kang pa-biktima sa mga ganito. kaya ko lang ito nabanggit ay dahil sa may mga magsusulsol sa iyong ito'y gawin. mas madali, oo, pero, mapanganib. Lalo na't sa ibang bansa'y napakadali ng mga DNA test at makikitang hindi mo kadugo ang inampon mong bata. Kung dito sa PIlipinas nangyari iyan, ikaw ay kakasuhan ng child abuse sapagkat kinuha mo ang bata at inilayo sa kanyang mga tunay na magulan. Ingat sa ganito. Huwag pa-biktima. May mga sindikatong ganito sa Pilipinas.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.