Utang Abroad- Loan credit card abroad overseas worker

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May nakukulong po ba kung nagkaroon ka ng pagkakautang sa credit card sa labas ng Pilipinas like sa Middle East?



Topic: Can I get jailed if I do not pay credit card loan/debt, even if the credit card is issued in another country (not in the Philippines), such as in the Middle East?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang pagkaka-utang ay hindi isang kasalanang kriminal. Ang hindi pagbabayad ng utang, kalimitan ay hindi rin nagbubunga ng pagkaka-kulong. Minsan nga lang, mas matindo ang epekto ng nonpayment ng credit card debt. Sa America, naba-black list ang mga taong hindi nagbabayad ng credit card. Kaya wala nang magpapautang sa iyo dahil sa ipina-publish ng mga banko ang mga pangalan ng mga taong hindi nagbabayad.

The record follows you. So, hindi ka makapaglo-losn para bumili ng kotse o bahay. Kung mag-a- apply ka ng trabaho, maaaring mahanap ng prpspective emp'loyer mo yung pangit na debt record mo. Dishonesty iyon at kawalan ng disiplina sa pananalapi. So, malamang na hindi ka tanggapin sa trabaho.

Ang payo ng mga expert ay kausapin mo ang mga pinagkaka-utangan at ipa-restructure ang mga loan. O kaya, mag-declareka na lang nga bankruptcy pero kung ay trabaho ka, puedeng bayaran mo unti-unti ang mga utang mo sa pamamagitan ng salary deduction.

Huwag takasan ang mga utang. Bayaran kahit na unti-unti kasi, ang mga epekto nito sa iyong credit rating at credit standing ay mabigat. Sa Pilipinas, ganun din -- iyon na nga lang, hahabulin ka namanng mga kolektor at malamang sa ipahiya ka hanggang sa magbayad ka.

Sanay'y maayos mo ang iyong mga problema. Good luck.
Francis Santos
is a Technician in the Philippines
hi Atty.,

Maraming salamat po sa inyong payo. may nais po sana akong iklaro o itanong muli sa nasabi nyong bankruptcy, pag nag deklara po ba ko non sa kanila ibig po ba sabihin non ay wala akong ari-arian na pinahahawakan para masabi nilang bancrupt nga po ko? may sinabi din po sila sa akin na may batas po daw tyo sa Pinas para sa foreign debt na di ko po maintindihan. pwede nyo po ba maipaliwanag o bigyang linaw po kung ano ang kahahantungan ko sa nasabi nilang batas na yon.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Francis,
Anb bankruptcy, hindi ibig sabihin ay wala kang kahit na anumang ari-arian o pera. Ibig sabihin lang ay kulang ito upang tugunan ang basic necessities for living (tulad ng pagkain, pang renta sa bahay, pamasahe papunta sa opisina, etc.) at bayaran din ang mga utang.

So, kung magde-deklara ka ng bankruptcy, susuriin ng husgado ang mga nalalabing mga ari-arian mo para makita kung ito ba'y puedeng kuhanin ng mga pinagkaka-utangan mo para ibenta at gawing pambayad ng utang mo, o kaya'y ito'y exempt (ang kalabaw na gamit pang-saka ay exempt, ang bahay na tinitirhan ng mag-anak ay exempt din). So, may mga ari-arian namang exempt.

At kung ano lamang ang hindi exempt na properties, iyon lamang ang puedeng ibenta at ang pinag-bentahan ay puedeng paghati-hatian ng lahat ng mga creditors.

Hindi ako aware na mayroong batas tayo sa Pinas patungkol sa debt ng isang Pilipino mula sa mga financing companies abroad. Ang alam ko, kasi, usually, ang mga finance companies sa abroad, they will only go after your assets which can be found in the country where you incurred the debt. Halimbawa, kung sa US ka nag-ta-trabaho at ikaw ay nagka-utang sa credit card na hindi mo mabayaran, iyong mga assets mo lang na matatagpuan sa US ang kanilang hahabulin. Unless, of course, ililista mo sa schedules mo sa Bankruptcy Court sa US pati iyong mga properties na nasa Pilipinas na nasa pangalan mo. (Bakit mo naman gagawin iyon?)

Ibang usapan siguro kung halimbawa ang credit card mo ay international at ito'y may affiliate o counterpart sa Pilipinas (wari, dito issued pero, international card siya) kasi, depende sa mga terms and conditions na pinirmahan mo noong inisyu sa iyo ang credit card.

Ang masasabi ko, kapag sa ibang bansa, usually kasi, mabilis ang Bankruptcy proceedings. Sa Pinas, sa tanang buhay ko, wala pa akong taong nababalitaan na nagfile ng bankruptcy. Sa totoo lang. Ang maigi kasi, dahil sa hindi ko naman alam ang lahat ng facts at wala naman akong nakikitang mga dokumento, pumunta ka sa isang abogado kung saan ka man naroroon at ikaw ay magtanong. Ano ba naman ang mawawala? Sa mga bansa tulad ng US, UK, AU, Canada, etc. may mga Legal Aid Society na nagbibigay ng free legal assistance.

Sana'y makahanap ka ng solusyon sa iyong suliranin.
Francis Santos
is a Technician in the Philippines
maraming salamat po atty. sa mga payo at naliwanagan na po ko.God Bless you always.
Joy Galuz
is a housekeeper in the Philippines
Maari po ba akong sampahan ng kaso at ipakulong ng isang Lending company sa HK dahil sa wala po akong kakayahang mag-bayad dahil andito napo ako sa Pilipinas
1 person likes this

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.