Leo Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Leo Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Leo

Maraming mga magagandang oportunidad para sa mga Leo itong taong 2018. Nariyan din ang pag-asenso sa karera na kanilang tinatahak. Subalit, maraming mga pagsubok na kailangan pagdaanan bago man ito makamit. Kailangan maging handa ang mga Leo at handang tanggapin ang mga bagong responsibilidad na darating sa kanila.

Katulad ng mga leon kung saan sila ay dominado, magiging agaw atensyon ang mga Leo at makikilala ang kanilang presensya itong parating na taon na 2018. Kasabay na rin ng pagsikat ay ang pagdami rin ng mga pagsubok na kailangang harapin.

Ang kawalan ng koordinasyon sa trabaho ay maaaring babagal ang pag-asenso ng mga Leo. Huwag magmadali kung ninanais mong magkaroon ng magandang oportunidad dahil kinakailangan mo itong pagsikapan. Umako lang din ng responsibilidad na kaya mong panindigan dahil may mga tendensiya ka na maging padalos-dalos sa iyong mga desisyon. Kailangan mo rin mag-isip-isip bago gumawa ng kung anumang bagay.

Buhay Pag-ibig
Maaari kang makadama ng pagdiskumpiyansa sa buhay pag-ibig itong darating na 2018. Mayroong kang ugali na bigla-bigla kang magagalit o maiinis at dahil dito ay maaari itong ikasama ng loob ng iyong kapareha. Malaking payo sa mga Leo na iwasan ang ganitong klase ng pag-uugali. Hanggat maaari ay huwag tataas ng boses upang hindi mo masaktan ang iyong partner. Kung gusto mo talagang humaba ang relasyon ng iyong kapareha ay kailangan mong magtimpi at habaan ang iyong pasensya.

Sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ay maaari kang makadanas ng mabigat na problema o pagsubok sa iyong kapareha. May tendensiya ka na sapawan ang iyong kapareha upang maisabi mo lamang ang iyong saloobin. Kailangan mo rin makinig at maging bukas ang iyong puso at isipan kung ikaw ay nakikipag-usap sa iyong asawa, nobyo o nobya.

Huwag kang mag-alala kung hindi man gaano kasigla ang iyong buhay pag-ibig dahil aambunin ka ng suwerte sa iyong karera na tinatahak. Maaaring sumalamin ang tagumpay na iyong makakamit sa kasiyahan sa iyong relasyon. Huwag din ipagdamot ang iyong tagumpay at mainam na ipagpunyagi ito o bigyang selebrasyon kasama ang malalapit at mahal mo sa buhay.

Buhay Karera
Para sa mga seryoso sa trabaho at mahal ang kanilang propesyon, asahan ang pag-angat ng iyong buhay karera sa taong 2018. Masuwerte din ang mga Leo na naghahanap ng trabaho dahil makakahanap sila ng trabaho na angkop at gusto nila. Subalit, nariyan pa rin ang pagsubok na susukatin ang iyong husay at abilidad. Subukan din na makiangkop at makibagay sa bagong trabaho na papasukan.

Buhay Pinansyal
May tsansa na lumaki ang iyong kita o pinagkakakitaan ngayong darating na taong 2018. Paborable sa iyo ang mga bituin at planeta sa iyong kapalaran. Huwag maging ubos-biyaya kung may darating man na suwerte.

Magandang panahon ang kalagitnaan ng Mayo hanggang sa kalagitnaan ng Septyembre kung ikaw ay bibili ng ari-arian. Sulitin ang pagkakataon na ito kung may binabalak kang mamuhunan sa mga panahong ito dahil napakapaborable sa iyo ang mga bituin at planeta sa iyong kapalaran. Huwag maglabas ng napakalaking salapi hanggat maaari sa mga buwan ng Hulyo at Agosto dahil mabagal ang balik sa iyo ng pera. Kung ninanais mo talagang magpayaman at lumaki ang iyong kita, masuwerte ang taong 2018 para sa mga Leo. Sabayan rin ng sipag at tiyaga para dumoble ang pasok ng suwerte sa iyo.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.