Libra Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Libra Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Libra

Magiging kapana-panabik ang iyong oportunidad na bumuti ang iyong karera sa darating na 2018. Kailangan mo ring maging handa dahil maraming mga balakid na susuungin para sa inaasam mong pag-unlad.
Ang mga Libra sa taong 2018 ay magiging abala sa pagbuo ng kanilang mga plano patungkol sa kanilang karera o trabaho. Ang mga planeta at bituin ay gagabay sa iyo upang makamit mo ang tagumpay. Sa huling bahagi ng Enero, kailangan mong magdoble kayod upang matupad ang iyong mga plano. Kailangan mo rin habaan ang iyong pasensya dahil matagal magbunga ang iyong mga pinaghirapan. Huwag kang mag-alala dahil marami namang magbubukas na mga oportunidad na kumita ng salapi sa huling bahagi ng buwan ng Mayo. Bago mo sunggaban ang mga darating na oportunidad, kailangan mong timbangin kung ano ang makakabuti at makakasama sa iyo. Kailangan nakabatay ang iyong desisyon na ikakabuti sa iyo sa mahabang panahon. Sa kabuuan, ang taong 2018 para sa mga Libra ay ang taon ng pagpapaunlad sa sarili at mga oportunidad na kumita. Mas yayabong ang premonisyon na ito sa huling buwan ng Agosto 2018.

Buhay Pag-ibig
Hindi maganda para sa mga single na Libra ang unang bahagi ng taong 2018 lalo na kung naghahanap ito ng makakapareha. Isa sa mga rason na ito ay ang hindi pagkakaugnay ng mga planeta at bituin. Ang mga buwan ng Abril hanggang kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ay maaari mahulog ang iyong loob at umibig muli. Subalit walang katiyakan na ito ay iyong makakatuluyan. Punong-puno ng pag-ibig o hindi kaya ay romansa sa mga Libra ang buwan ng Agosto. Magiging panandalian lamang ito at agad itong matatapos sa buwan ng Oktubre.
Para naman sa mga Libra na may kapareha, hindi magiging mainit ang iyong relasyon sa unang bahagi ng taong 2018. Base iyan sa pagposisyon ng mga planeta at bituin. Hindi ibig sabihin nito na kayo ay maghihiwalay ng iyong kapareha. Asahan magbabalik ang sigla at ligaya sa huling bahagi ng taong 2018.

Buhay Karera
Para sa mga propesyunal at may trabaho na Libra, kinakailangan mong magdoble-kayod itong darating na taong 2018. Maaari kang bigyan na biglang gawain na hindi mo inaasahan. Marahil mangyari ito sa kalagitnaan ng buwan ng Marso at kailangan maging handa sa trabaho na iaatas sa iyo. Tandaan na huwag magpakapagod dahil maaari itong ikasira sa iyong gawain.
Kahit na marami kang gawain, matutong tapusin ito nang isa-isa at hindi nang sabay-sabay. Hindi magiging maganda ang kalalabasan nito kapag pinagsabay-sabay mo ang lahat ng gawain. Subalit kailangan mo pa rin sundin ang takdang oras o deadline ng iyong trabaho. Panatilihin ang magandang ugnayan o komunikasyon ng iyong boss at ng iyong katrabaho upang mapagaan ang iyong mga gagawin. Alamin ang iyong limitasyon at huwag pilitin ang iyong sarili kung hindi mo kayang gawin. Huwag mahiyang sabihin ang hindi mo kaya upang matulungan ka ng iba.  

Buhay Pinansyal
Magiging maganda ang buhay pinansyal ng mga Libra sa taong 2018. Nariyan ang oportunidad na lumago ang kanilang kayamanan. Ikaw ay magiging masaya dahil dito at asahan ang pagbuti ng iyong pananalapi sa buong taong 2018.
Mag-uumapaw ang estado ng iyong pananalapi sa kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng suwerte sa mga panahong ito at huwag hayaan sayangin ang pagkakataon nito. Magsisimula ang pasok ng suwerte sa pinansyal sa unang linggo ng Marso. Kahit maliit man ang pag-usad nito, huwag ito babalewalain at lalo pang magpursige upang dumoble ang pagpasok ng suwerte sa iyo. Halos buong taong 2018 ay mabuti ang estado ng pinansyal para sa mga Libra.
Pakitandaan na kung gaano man kalaki ang pumasok na salapi sa taong 2018, kailangan mo rin doblehin ang seguridad ng iyong mga kinita. Mainam na ilagak ito sa banko kumpara sa pagpapahawak nito sa mapagkakatiwalaang tao. Mas mainam na maging segurado kaysa magsisi sa huli. Hindi rin ibig sabihin na kailangan mong ilagak ang lahat iyong mga kinita sa pamumuhunan. Kailan mo rin maging gamay at maalam sa anumang kasunduan na iyong papasukin.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.