Wala sinuman ang naising nakatayo at mag-antay ng matagal, subalit kakaiba ang naging istorya ng isang foreigner kung saan matiyaga itong nagantay ng sampung taon.
Naging usap-usapan sa pahayagan si Alexander Pieter Cirk kung saan sinugod sa ospital matapos maghintay sa paliparan ng Changsha Huanghua International Airport sa China. Naging bigo sa pag-aantay ang lalaki dahil hindi sumipot ang kanyang online girlfriend. Nakilala ang babae sa pangalan lamang na si Zhang.
Si Alexander ay isang Dutchman at nasa edad 41 taon gulang, samantala ang kanyang online girlfriend ay 26 years old pa lamang.
Sa pag-aakala ni Zhang ay nagbibiro lamang ang lalaki na siya ay puntahan kahit na pinakita na nito ang kanyang ticket. Hindi sumagi sa kanyang isip na seryoso ito.
Ayon kay Zhang, maganda ang kanilang naging relasyon ngunit ng huli ay madalang na sila mag-usap pagkatapos nito magpadala ng litrato. Dagdag pa nito nagkataon na nasa surgery siya kaya nakapatay ang kanyang cellphone.
Maraming katanungan sa isipan ng maraming tao kung bakit ganun na lang katagal siyang naghintay at pinabayaan ang kanyang kalusugan.
Pagkatapos lumabas sa ospital ay bumalik na si Cirk sa Netherlands. At ayon naman sa online girlfriend kapag gumaling na siya magkikita na sila ni Cirk ng personal.