Paano ang Proseso o ano gagawin sa kanselasyon ng kontratang tapos na sa UAE

Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates

Dito sa UAE, may dalawang klase ng kontrata ang mga manggagawa o empleyado, ito ay ang Limited o “Fixed-Term” at ang pangalawa ay ang Unlimited na kontrata. Ito ay nakasaad sa labour contract na pinirmahan bago magsimula sa trabaho. Alamin ang pagkakaiba sa dalawang kontrata.

Limited o “Fixed-Term” Contract

Ang kontratang ito ay may nakasaad ng simula at katapusang petsa. Hindi ito dapat lalagpas sa apat na taon, maliban na lang kung ito ay itutuloy ayon sa pagkakasundo ng Employer (May-Ari ng kumpanya) at Employee (Manggagawa o empleyado). Ito rin ay awtomatikong makakansela oras na matapos ang nakasaad na petsa o “Expiry”. Kadalasan, ang kontrata ay dalawang taon, kung hindi na ninanais ng employee ang magpatuloy, maaari lang sabihin sa employer na ikaw ay hindi na pipirma nang bagong kontrata at base sa “Expiry Date” ng iyong kontrata at visa, mayroon kang ilang araw (30 Days) para manatili sa UAE at maghanap ng panibagong trabaho. Karamihan sa ating mga kabayan ay nagsisimula na maghanap ng panibagong lilipatang trabaho isa o dalawang buwan bago matapos ang kontrata.


Unlimited Contract


Ang kontrata namang ito ay may nakasaad ng simulang petsa ngunit walang eksaktong katapusang petsa. Ang kontratang ito ay maaaring makansela ng Employer o employee basta’t mayroon lamang “30 days’ notice” o nakapagsabi ng mas maaga sa intensyon na pagtapos o pag-kansela ng kontrata. Ang Employment Visa ay kadalasang dalawang taon kaya’t kapag natapos na ang Visa, ang Employer o Employee ay maaaring magdesisyon kung magpapatuloy o kukuha muli ng panibagong Visa. Dahil sa ang kontrata ay unlimited, ito ay hindi awtomatikong matatapos o mag-eexpire hindi katulad ng limited. Dahil dito, kung ang isang empleyado ay wala nang balak magpatuloy ng trabaho sa parehong kumpanya at nalalapit na ang katapusan ng visa, maaari ng mag-bigay ng “notice” sa employer upang simulan na ang proseso ng kanselasyon.


Larawan: Bahaging halimbawa ng kontrata


Paano ang proseso ng kanselasyon?

Ang Employer o PRO (Public Relations Officer) ng kumpanya ang siyang mag-aayos ng kanselasyon para sa empleyado. May mga dokumento na ipapasa katulad ng Passport ng empleyado, Labour card at Application form kasama na ang iba pang mga dokumento mula sa Sponsor o kumpanyang pinagtatrabahuhan. Humigit kumulang AED 250 ang babayaran o gagastusin, ito ay dapat sagutin o bayaran ng employer. Ang pagkansela ng kontrata ay umaabot halos dalawang linggo. Kasabay ng pag-expire ng Employment visa ang Emirates ID o Residency. Kapag ang lahat ng ito ay natapos na, mayroong “30 days grace period” para makahanap ng panibagong trabaho na siyang magbibigay ng panibagong kontrata at employment visa.


Paano kung hindi makahanap agad ng trabaho matapos ang 30 days o kung nakahanap ng trabaho ngunit hindi agad na proseso ang panibagong kontrata at visa?

Kapag malapit na matapos ang 30 days grace period at walang nahanap na trabaho o di kaya ay kasalukuyang inaayos ang kontrata at visa, maaaring mag-exit o lumabas muna ng UAE dahil kung hindi, magkakaroon ng “overstay charges” sa halagang AED 25 bawat araw, maliban na lang kung ito ay handang bayaran ng kumpanya habang inaayos ang bagong kontrata at visa para sa nakahanap agad ng tarabaho. Sa wala pang nahahanap na trabaho, kailangang lumabas muna ng bansa at bumalik ng naka-visit visa. Para sa ibang kabayan, pagkatapos ng kontrata, kadalasan ay umuuwi muna ng pilipinas para makapag-bakasyon matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa UAE.



Ang artikulong ito ay dagdag kaalaman lamang at magsisilbing gabay para sa mga kabayan, mabuting magtanong sa Ministry of labour o Immigration para mas mabigyan ng linaw.



About the author

Kayce Gonzaga

Profession: Administrative Staff
United Arab Emirates , Dubai , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Kristine Leano
is in United Arab Emirates
Paano po kaya kung 6months lang ang natupus ko then unlimited contract po ako, nagnotice na po ako halos 2 months na d p pinipirmahan ma copy din po ako sa email na nakapagnotice na ako, hnd parin po ako kinakansel kaya nagreklamo na ako sa labor, may appointment na po kami sa 20, ang inaalala ko lang po kung makakasela ba Ko o hnd, at kung makansela ba ako magbbigay b ng ticket pauwe kaso ayaw ko po umuwe at my nahanap na po akong bagong work,so panu po kaya yun?
Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates
Hi Kristine! Dahil nakapag 2 months notice ka na sa employer, dapat ay mapirmahan at ma-proseso na ang cancellation ng contract mo. Para naman sa ticket pauwi, hindi naman siguro sila magbibigay ng ticket pauwi dahil sa hindi naman natapos ang contract at wala din namang gratuity. Tama yung ginawa mo na pumunta sa labor para ma-assist ka nila para sa cancellation sa current employer, kapag cancelled na ang contract mo, puwede na magsimulang mag-apply ang new employer mo para sa employment visa mo. Puwede ka mag-exit o kaya naman bayaran na lang ang fees para hindi na lumabas pa sa UAE. Ang inaalala ko lang ay yung ban unless na Freezone company ang next employer mo. Hindi mo kasi nabanggit yung trabaho mo. Pero sasabihin naman saiyo yan ng MOL halimbawa man na merong ban. Sana nakatulong ako!
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

IMPORTANT: This networking and classified ads section is a free service. We do not assume responsibility for the products or services sold or offered. There are risks when dealing with people who might be acting under false pretenses and all of these risks are borne by you. It is the responsibility of individuals who posted the ad to reply to your message, and confirm the legitimacy. We are merely a venue and do not control the products or services offered to other users, nor does buhayofw.com control the users of our website. 

Neither Buhayofw.com nor any providers of information make any warranties, express or implied, as to results to be obtained from use of such information, and make no express or implied warranties of merchantability or fitness for a particular purpose or use. Neither buhayofw.com nor any providers of information shall have any liability for the accuracy of the information contained in the ads found on our web site, or the contents of any advertisements, or for assertions or omissions therein. No party shall be liable to any other party or any third-party for third-party claims or losses of any nature, including, but not limited to, lost profits, punitive or consequential damages. We reserve the right to edit, categorize, revise, or to decline any classified advertisement.