Paano makapunta o magkaroon ng trabaho sa UAE? United Arab Emirates Visit Visa

Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates

Ang United Arab Emirates (UAE) ay isa sa pinakasikat na madalas puntahan ng mga Pilipino na naghahangad maging OFW at nangangarap umunlad sa buhay. Mas madali daw kasing makapunta dito kung mayroon kang kapamilya o kamag-anak na handang mag sponsor sayo. Mayroon din naman na sa tulong lang ng mga kaibigan at sadyang lakas lang din ng loob ay nakakarating na dito.

Ngunit sa kabilang dako, hindi lahat ay nagiging mapalad dahil ang unang pagsubok na pagdadaanan mo ay ang paghahanap ng trabaho lalo na kung ikaw ay naka Visit Visa. Ito kasi ang madalas na paraan para makapunta nang mas mabilis sa UAE. Ang sabi nga nila isang araw ka lang dapat magpahinga mula sa higit walong oras na byahe ng eroplano dahil kailangan mo na simulan kaagad kinabukasan ang paghahanap ng trabaho dahil mabilis lumipas ang mga araw at kailangan mo na makahanap ng trabaho bago mag-expire ang Visa mo. Anong paraan para makapunta at magkaroon ng trabaho sa UAE?

Paano mag-apply sa mga kumpanya at maging successful applicant sa UAE?

Para sa isang aplikante, may tatlong madalas na pamamaraan ang pagkakaroon ng trabaho dito:

1. Maari kang mag pasa ng iyong Resume o CV (Curriculum Vitae) kung tawagin sa pamamagitan ng mga Job sites sa Internet.

2. Pagpunta o pagkatok sa mga opisina (Walk–in) o kaya ay ang “referral” ng isang kakilala. Kalimitan kasi para sa isang posisyon na bakante, higit sa isang daang aplikante ang makakalaban mo. Ito ay lalo na kung nasa F&B (Food and Beverage), Administration, Reception, Sales o kahit anong Office Jobs ang napili mong pagpasahan ng iyong CV. Maliban din sa mga kapwa mo kabayan, iba’t ibang lahi ang sumusubok at nagbabakasakali din. Sa totoo lang, napakaganda ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino pagdating sa pagtatrabaho dito sa UAE. Kilala tayo sa pagiging masipag at matapat sa tungkulin.

Paano nga ba magiging matagumpay ang isang kabayan sa paghahanap ng trabaho?

Tandaan mo na lahat ay nagsisimula sa ibaba. Hindi minamadali ang pag-angat dahil ito ay na sa determinasyon at pananalig ng isang aplikante. Kailangan mo muna matutunan ang tamang pamumuhay na meron ang bawat OFW. Sipag at tiyaga ang labanan dito kung nais mo na magtagal. Bilang isang baguhan, hindi ka dapat maging mapili sa trabaho, pero kailangan mo din malaman kung sa aling larangan ka magaling at mas maraming karanasan dahil ito yung gagamitin mong armas para ikaw ang mas mapili sa posisyon.

Paano magugustuhan o makuha ng employer sa UAE?

Kailangan ay maipakita mo sa Employer na ikaw ang karapat dapat higit sa ibang kasabayan mo na mga aplikante. Narito ang iilang mga tips:

- Ang laman ng CV mo ay dapat angkop sa posisyon na bakante at mas “Appealing” ika nga.

- Kung hindi man, dapat ay malaman nila na handa kang subukan at pag-aralan ang trabaho.

- Kung ikaw ay matatawagan para sa Interview, siguraduhin mo na ikaw ay handa o darating sa tamang oras at nakabihis ng malinis o maayos. Totoo ang “First impression lasts” kaya kung ikaw ay nabigyan ng pagkakataon, hindi ito dapat sayangin.


At higit sa lahat, kasabay din ng bawat pagpasa mo ng CV ay dalangin na kung ito ay nakalaan para sayo, ika’y nagpapasalamat, kung hindi naman, manalig lang na darating ang tamang trabaho para saiyo kaya huwag kang susuko.


About the author

Kayce Gonzaga

Profession: Administrative Staff
United Arab Emirates , Dubai , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

IMPORTANT: This networking and classified ads section is a free service. We do not assume responsibility for the products or services sold or offered. There are risks when dealing with people who might be acting under false pretenses and all of these risks are borne by you. It is the responsibility of individuals who posted the ad to reply to your message, and confirm the legitimacy. We are merely a venue and do not control the products or services offered to other users, nor does buhayofw.com control the users of our website. 

Neither Buhayofw.com nor any providers of information make any warranties, express or implied, as to results to be obtained from use of such information, and make no express or implied warranties of merchantability or fitness for a particular purpose or use. Neither buhayofw.com nor any providers of information shall have any liability for the accuracy of the information contained in the ads found on our web site, or the contents of any advertisements, or for assertions or omissions therein. No party shall be liable to any other party or any third-party for third-party claims or losses of any nature, including, but not limited to, lost profits, punitive or consequential damages. We reserve the right to edit, categorize, revise, or to decline any classified advertisement.