Paano maiiwasan ang offload sa immigration ng Pilipinas papuntang UAE?

Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates

Dahil sa laganap na isyu at problema tungkol sa Human Trafficking, ang BOI o Bureau of Immigration ay naging mahigpit sa paglabas-masok ng mga Pilipino sa bansa. Marami kasi ang umaalis na turista ngunit pagdating sa ibang bansa ay naghahanap ng trabaho. Karamihan sa mga kababayan natin ay nao-offload papuntang Singapore, Hong Kong, Malaysia, Thailand at UAE (United Arab Emirates). Sikat kasi ang mga bansang ito na transit point at pangunahing destinasyon na may pinakamaraming bilang ng insidente ng pagtatrabaho ng illegal ayon sa immigration.

Ngunit ano nga ba ang tamang paraan at paano maiiwasan ang ma-offload kung ikaw ay isang turista na pupunta sa UAE?



Ayon sa Bureau of Immigration, kailangang sundin ang Travel Requirements para maging maayos ang pagpunta ng isang pinoy na turista sa UAE. Ang mga nakasaad ay makikita rin sa kanilang website.

Mga pangunahing requirements o pangangailangan ay:


• Unexpired DFA – Issued passport (Dapat ito rin ay valid pa ng anim na buwan, kung malapit na mag expire, mas mabuting mag-renew muna).


• Unexpired Visa - Ito ay advance na kinukuha kung papunta ng UAE, titignan ito ng BOI officer kaya siguraduhin na ito ay valid pa dahil kahit makalampas ka man sa immigration sa pinas, hindi ka naman papapasukin sa UAE kung ang visa ay expired o invalid na.


• Return Ticket - Importante na ang ticket sa eroplano ay balikan o round-trip bilang isang turista, kung may pagbabago man, maari naman mag-rebook ng ticket.


Mga dagdag o iba pang requirements:


• Affidavit of Support and Guarantee – Ito ay maaring kunin sa Philippine Embassy (Al Qusais, Dubai) ng kamag-anak o kapamilya na mag-sponsor sa iyong bakasyon papuntang UAE. Nakasaad kasi dito na ang sponsor ang siyang bahala sa anumang gastusin o kakailanganin ng turista habang nasa bakasyon. Ito ay hindi opisyal na requirement o pangangailangan ng Immigration sa UAE o Pilipinas ngunit ito ay malaking bagay upang maiwasan ang ma-offload dahil ibig sabihin, anuman ang mangyari saiyo sa UAE, mayroong kamag-anak na matatakbuhan at hihingan ng tulong.


• Authenticated Birth Certificate/Marriage Certificate – Base sa advisory ng Philippine Embassy noong nakaraang taon (February 2016), ang maaari lamang mag–sponsor ay kamag-anak, halimbawa ay asawa, anak, magulang, pinsan, biyenan o hanggang ika-4th degree na kamag-anak. Kailangan ay dala-dala ang birth certificate na magpapatunay na kayo nga ay magkamag-anak ng iyong sponsor.


• Passport copy ng Sponsor at Emirates ID (Resident’s ID)


• OEC – Overseas Employment Certificate ng sponsor


• Salary Certificate ng Sponsor – Ang sahod ng sponsor ay hindi dapat bababa ng 3,500 Dirhams, ang certificate ay may stamp, pirma at nasa letter head ng kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Paano kung gusto magpunta ng UAE ngunit walang kamag-anak?


Hindi lahat ay mayroong kamag-anak sa UAE, ngunit kung mayroong kaibigan, maaari naman itong makatulong, kailangan ay lumapit sa travel agency o kaya ay sa mga hotel na nagbibigay sponsorship para sa kanilang mga guest. Sila ang mag-poproseso ng Visit Visa o Tourist Visa ngunit hindi ibig sabihin nito ay makakaiwas ka sa offload. Kailangan mo pa rin mapatunayan sa immigration na ikaw ay magbabakasyon lamang.

Para sa karagdagang kaalaman, maaari pa rin tumawag o bisitahin ang website ng Bureau of Immigration at Philippine Embassy.


Mga dagdag na gabay:

• Importante na sundin ang requirements dahil ang isang turista ay madalas nao-offload lamang kung kaduda-duda ang mga papeles o dokumentong hawak.


• Mag-dala ng dagdag pang katibayan na magpapatunay na ikaw ay turista at babalik ng pilipinas matapos ang iyong bakasyon. Kung ikaw ay naka-vacation leave sa trabaho, maaaring dalhin ang Company ID, leave approval mula sa kumpanya at iba pang katunayan na ikaw ay may trabaho. Kung ikaw ay nagkataon na walang trabaho, kailangan mo ng dagdag patunay na kaya mong tustusan ang iyong bakasyon o kaya naman ay ipakita ang affidavit of support mula sa sponsor.


• Huwag kakabahan sa pagsagot sa tanong ng immigration officer, minsan ito ay nakakalito, ngunit importante na “consistent” ang iyong sagot.


• Mag-bihis ng maayos at malinis. Tandaan na ang bansang pupuntahan ay UAE at ito ay Islam country, pinananatili ang pagiging conserbatibo lalo na sa kababaihan.


• Mag basa tungkol sa UAE at kung ano-ano ang gusto mong pasyalan dito.


• Alamin ang “contact details” ng iyong kamag-anak o sponsor, maaari itong itanong ng immigration officer.

Ang mga nabanggit ay gabay lamang base sa personal na karanasan at kuwento ng mga kababayan nating expat dito sa UAE at kung paano maiwasan ang ma-offload. Importante ang pagiging handa at buo ang loob dahil kapag ikaw ay na-offload, sayang ang pera at oras, balik muli sa simula.

About the author

Kayce Gonzaga

Profession: Administrative Staff
United Arab Emirates , Dubai , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

IMPORTANT: This networking and classified ads section is a free service. We do not assume responsibility for the products or services sold or offered. There are risks when dealing with people who might be acting under false pretenses and all of these risks are borne by you. It is the responsibility of individuals who posted the ad to reply to your message, and confirm the legitimacy. We are merely a venue and do not control the products or services offered to other users, nor does buhayofw.com control the users of our website. 

Neither Buhayofw.com nor any providers of information make any warranties, express or implied, as to results to be obtained from use of such information, and make no express or implied warranties of merchantability or fitness for a particular purpose or use. Neither buhayofw.com nor any providers of information shall have any liability for the accuracy of the information contained in the ads found on our web site, or the contents of any advertisements, or for assertions or omissions therein. No party shall be liable to any other party or any third-party for third-party claims or losses of any nature, including, but not limited to, lost profits, punitive or consequential damages. We reserve the right to edit, categorize, revise, or to decline any classified advertisement.