Maari bang makuha ng dating may-ari ng lupa kahit ito ay nahati hati na at ang mga titulo ay naibigay na sa mga tao ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang lupa kasi na naibigay sa mga kapitbahay at pamilya ko ay dating pagmamay ari ng mayamang tao sa amin at ito ay ibinigay ng DAR sa mga tenants pero hindi pa ito fully paid ng LandBank doon sa may ari.
Sa ngayon kukunin ulit ng dating may ari kasi hindi pa daw sila binayaran ng Landbank at yung ibang tenants ay di pa fully paid sa kani kanilang mga awarded na lupa.
Maari ba itong makuha uli ng dating may ari kahit may titulo na ito na awarded sa mga tao?
Maraming salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi na po ito makukuhang muli dahil ang may obligasyon sa may ari ng lupa ay ang gobyerno na through Landbank. Since titled na rin ang property magiging private property na ito na pag aari ng mga tenants. Pwede lang ito maibalik sa may ari kung ito ay bibilhin nila from the tenants yan if walang prohibition na nakasaad sa title nito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming salamat po sa mga sagot ninyo, kami po ay nag alala sa mga posibleng mangyari dahil sa ngayon ay inaasikaso na raw ng isa sa anak ng dating may-ari ng lupa na kukunin nila ito ulit. Hindi kasi umaaksyon ang Landbank at ang DAR nito.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maari na lang po kayong lumapit sa isang abogado para po mapag aralan ang kaso ninyo at ang possibleng remedy po nito. Libre po sa PAO office or sa mga IBP offices na nagbibigay ng libreng serbisyo. Maari ring sa isang private lawyer po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.