Maari po bang bilhin ang Lupang minana at hindi pa nasasalin sa pangalan ng tagapagmana?

Mark Sicat
is a IT in the Philippines

May binebenta po kasi saaking lupa na ang nagmamay ari ay namatay na po, ngunit hindi pa po ito naililipat sa panagalan ng magkakapatid na tigapag mana, maari ko po ba itong bilhin? nagkasundo po ang magkakapatid na ibenta nalang at mageexecute nalang ng extrajuducial settlement. ano po ang magiging proseso nito ? at mga requirements para mabili ko ang nasabing lupa? maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maari po ninyo itong bilhin provided mag execute po ng extra-judicial settlement of estate with deed of sale at pipirma po ang lahat ng mga heirs. Kailangan po na bayaran nila ng estate tax nito sa BIR, pati na capital gains, docs stamps and transfer fee sa Local assessor po. Kailangan po lawyer ang gagawa ng extra-judicial settlement with deed of sale at ipanotarized ito. Ang nasabing dokumento ay siya magbibigay sa inyo ng authority para mailipat po ang titulo ng nasabing property sa pangalan po ninyo.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
Attorney Maraming salamat po sa inyong maganda at maliwanag na sagot, may katanungan pa po ako , ang gusto kasi ng heirs ng lupa na bibilhin ko, na hindi na sila maglabas ng pera to pay the estate tax and other expenses kasi wala daw silag pera, maari ko po bang indicate sa deed of sales na lahat ng expenses including estate tax ileless nalang sa gross amount ng lupa na binebenta nila na sila ang magshoulder? although sa part naman nila ok sila na iless nalang, safe din po ba on my part na itong proseso na to una papagawa ng extra judicial settlement of the state then deed of sale then payment partial muna bayaran muna nila yung estate tax then once na kumpleto na yung mga dapat bayaran once i get the OR ng mga expenses thats the time na ipupull payment na ? maraming salamat po attorney
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede po yan mailagay sa Deed of sale kung sino ang magbabayad ng lahat ng expenses para sa pagpaprocess for the transfer po ng title ng property na nabili ninyo. Ito po ay nakadepende sa agreement po ninyo. Usual practice po nami 10% of the value i retain muna pagnakuha na ang titulo saka na ang full payment. In this case, gagawa kayo ng separate agreement nito aside from Deed of Absolute sale.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
eto po ang second option ko safe po ba na ganito ang gawin kong proseso once na maka pag execute na sila ng extra judicial settlement of the state then dead of sale then payment ng buo secured po ba ako sa ganitong processo or mas maganda na partial payment muna maraming salamat po attorney
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mas safe yung partial or retention of 10% of the remaining value pero ito po ay nkadepende sa agreement ninyo lalo na if kilala mo talaga yung seller ok lang din ang full payment agad after deed of absolute sale na ang iniexecute nila.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
attorney sorry po at napakadami kong tanung sainyo, during extra judicial settlement of the state need paba magpunta lahat ng heirs sa notary public to sign ? or pwede po bang dalhing yung documents outside then papirmahin isa isa? same with dead of sale? paano po kung may isang representative na sa lahat ng transaction like extra judicial settlement siya ang magpapapirma sa heirs at siya din ang tatangap ng payment since madaming magkakapatid po kasi ng heirs ng may ari ng lupa pwede po kaya yun ? pwede po bang may authorization letter na yung kamag anak nila na yun ang makikipag transaction saaken ? para po sana isang tao nalang ang kinakausap and centralize sa isang tao lang. salamat po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede yan and importante naka state ang authority ng Attorney-in-fact sa SPA na yan.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
pwede po ba akong magpagawa ng special power of attorney para isang tao nalang ang representative ng nagbebeta? at saaaken naman po sa part ko pwede din po na since magaabroad ako na mjo matagal ang process ng pagpapalipat and transactions sa pagbili ng lupa once na done na yung dead of sale mag pagawa din ako ng special power of attorney para i authorize ang kaibigan ko para mailipiat sa pangalan ko ang lupang nabili ko? then attorney kasi yung binebentang lupa saken naka gitna siya sa ibang property na ibang may ari ang binibigay lang nilang daan before ay pang tao lang, then yung sasakyan napakiusapan naman na pwede na dumaan at willing silang pumirma ng kasunduan na pinapayagan nilang dumaan ang mga sasakyan na dadaan po dahil gagawin ko po sanang mini resort yung property, pwede po po kaya pagawan ng special power of attorney ang kasunduan namen ng may ari ng daan? salamat attorney
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede sila gumawa ng SPA na iisa nalang ang mag sasign for the deed of sale in behalf of all the heirs. In your part you can designate Attorney-in-fact to sign and process for the transfer of title. However, if you are in abroad dapat ang notarization ay sa consul kung saan bansa ka nagtatrabaho or nakatira. Hindi pwedeng ipadala ang documents dito kasi walang jurisdiction ang notary public sa iyo dahil nasa ibang bansa kana. After na notarized there ang SPA mo ipadala dito dapat nakared ribbon ito diyan.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
attorney bale po ang magiging set up nandito pa po ako sa Pilipinas ill make sure all the transaction po ay ako ang magta transact execpt sa mga payment and transfer ng title sa name ko, sa madaling sabi po nandito sa Pilipinas mag papagawa ako ng SPA

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.