Maari po bang paalisin ang aking bilas sa lupa na nakapangalan sa mr. ko? ang lu

Jennfer Tizon
is a housewife in the Philippines

Maari po bang paalisin ang aking bilas sa lupa na nakapangalan sa mr. ko? ang lupa po ay sa aking byenan ngunit ang mr ko po ang gumastos sa patitulo at sa taunang amilyar.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Depende yan kung talagang ang asawa muna talaga ang owner ng lupa na yan dahil ito ay binili ninyo o kaya share niya ito as complusory heir from his parents maari ninyo silang paalisin. Kailangan ninyo munang magdemand sa kanila to vacate kailangan abogado ang gumawa nito. Dapat din ninyong ipatawag ninyo sila sa Barangay for Conciliation. Kung hindi madaan sa usapan kailangan na ninyong magfile ng kasong Ejectment laban sa kanila. Kailangang patunayan ninyo na kayo na ang absolute owner sa lupa at walang nakaannotate sa titulo nito na maaaring naisangla sa ibang tao o sa iyong bilas mismo para mapaalis sila.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po sa response Atty. Ang lupa po ay talagang sa byenan ko. Nagsabi po ang kapatid ng Mr ko na magpapatayo sila ng bahay sa lupa ngunit hindi nila nasagot ang tanong ng mr ko kung saan banda. Nagulat na lang po kami na sa pinakaharap at gitna sila nagpatayo. Parehong nasa abroad ang mr ko at ang bayaw ko ng ipatayo ng bilas ko ang bahay. nagkaproblema lang po ng magbago ang pakikitungo ng bilas ko sa aking byenang babae at sa buong pamilya. Nagaalala po ang mgkakapatid ngayon na baka hindi maisama sa pghahatian ang kinatatayuan ng bahay, at makalamang ang nagpatayo na ng bahay.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masyadong naintindihan kong bakit nasa pangalan na ng Mr. mo ang titulo kung ang lupang ito ay paghahatian pa. Dapat tandaan na kung isa sa byenan mo ang mamatay lahat ng mga anak ay magiging heirs kasama na ang naiwang asawa. Kung kayo na talaga ang absolute owner nito maari kayong magfile ang ejectment or recovery of possession laban sa bilas mo. Mas mabuting you take action immediately with the help of a lawyer tungkol dito.
Jennfer Tizon
is a housewife in the Philippines
Ang byenan ko po ang nagpangalan sa Mr ko, d dn nya alam kung bakit. Kailangan po ba namin bayaran ang bahay na pinatayo ng bilas ko? 2MM nya po pinababayad ngunit wala kmi pera para ireimburse sya.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Depende na yan kung ang bilas mo ay nagpatayo in good faith o may pahintulot sa inyo or in builder in bad faith o walang pahintulot din wala talagang makukuha sa inyo. Sa Sinabi mong humingi naman sila ng pahintulot sa inyo na magtayo. Maari ring i konsider kon kailan naipatayo nuong nakapangalan na ba sa Mr. mo ang titulo o wala pa.
Art. 448. The owner of the land on which anything has been built, sown or planted in good faith, shall have the right to appropriate as his own the works, sowing or planting, after payment of the indemnity provided for in Articles 546 and 548, or to oblige the one who built or planted to pay the price of the land, and the one who sowed, the proper rent. However, the builder or planter cannot be obliged to buy the land if its value is considerably more than that of the building or trees. In such case, he shall pay reasonable rent, if the owner of the land does not choose to appropriate the building or trees after proper indemnity. The parties shall agree upon the terms of the lease and in case of disagreement, the court shall fix the terms thereof. Kung siya ay isang builder in good faith magiging sa inyo na ang kanyang bahay pagkatapos ninyong bayaran sya sa nagastos. Pwede ring ibenta ninyo sa kanya ang lupa na kung saa nakatayo ang bahay kung ang presyo ng lupa ay hindi hihigit sa value ng bahay. Kung ayaw naman ninyong mapasainyo ang bahay niya then maari naman magbabayad nalang sya ng rental sa lupa at kung hindi magkaintindihan sa kung magkano din ang korte na ang magdesisyon sa presyo ng rental para sa inyo. Maaring pag usapan mo muna ninyo ito dahil pamilya lang naman kau.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Atty. Sa tingin ko po in bad faith ang bilas ko dhl cnabihan na po pla ng byenan ko na hintayin na mr ko. at ibang lokasyon ang bnbgay sa knya ngunit ayaw dw dun dhl ayaw nya dw ng may katabing bahay. Sa mr ko na po nakapangalan ang titulo cmula 2002 pa. Ngayon po ang ginawa na lang ng mr ko at byenan binawasan ang lupa nya dating 400 ginawang 203 na lang. Pro masama pa dn ang loob at pinagkakalat na cmula ngyon as in wla na sya ibbgay sa byenan ko ni singko. Though wla nmn po tlga syang inaabot na pera. Pwede po ba kmi kumuha ng court order na bawal na sya magdagdag ng improvements like fence, sari sari store, etc. hanggat d nakapangalan sa knila ang lupa?

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.