MABAHONG HININGA: ANO PINAKAMADALING SOLUSYON AT GAMOT SA BAD BREATH? MABANTOT BUNGANGA AMOY GILAGID

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Bakit mabaho ang hininga ko at ano ang dapat gagawin para mawala ang bad breath?

Ang bad breath o ang tinatawag na halitosis, ay ang pagkakaroon ng masamang amoy ng hininga o bunganga. Paminsan-minsan, panandalian lamang ang bad breath ngunit maaari din itong magtuloy tuloy sa matagal na panahon. Nakakahiyang kondisyon ito para sa mga apektado at maaari ding magdulot ng pagkabalisa para sa iba. Kapag hindi maganda ang pagaalaga sa ngipin ng isang tao, nagreresulta ito sa bad breath.


May mga pagkain din na nagdudulot ng di magandang amoy ng hininga at may mga karamdamang nagdudulot din nito. Maraming mga nabibiling mouthwash, gums at mints para lutasan ang amoy ng hininga, ngunit ito ay pang-panandalian lamang at hindi nito tinatanggal ang tunay na dahilan ng bad breath.
Paguusapan natin sa videong ito ang mga pinaka-madaling gamot at solusyon sa mabahong hininga
 
Paano malalaman kung mabaho ang hininga ko?
Magkakaiba at depende sa dahilan ang pagkakaroon ng mabahong hininga, tulad ng kulang sa pagalaga ng ngipin at gum diseases. May mga taong di nakakahalata na masama na pala ang amoy ng kanilang hininga, at may iba naman na sobrang nag-aalala sa amoy nito kahit wala naman silang bad breath. Kadalasan, ibang tao pa ang unang nakakahalata ng bad breath. May mga prangka na sinasabi ito sa taong apektado, ngunit kadalasan ay dumidistansya na lamang sila. Siyempre, ang pinaka-nahahalatang sintomas ng bad breath ay ang pagkakaroon ng hindi magandang amoy mula sa bibig o hininga. Narito ang ibang mga karagdagang sintomas ng bad breath:
· Hindi magandang panlasa o pagbabago sa panlasa
· Nanunuyong bibig
· Pagkakaroon ng coating sa dila, o nakadikit na dumi, bakteria o deadcells sa dila. 
 
Ano mga Sanhi at dahilan ng Bad Breath?
Marami ang mga posibleng dahilan na nagdudulot ng masamang amoy ng hininga. Ang ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod:
· Pagkain. Pangunahing dahilan ng masamang amoy mula sa bibig ay ang kinain na kumapit sa bunganga. Ang mga pagkain kagaya ng bawang, sibuyas, maanghang na pagkain, mga exotic spices kagaya ng curry, mga ibang klase ng keso at gulay ay maaaring mag-iwan ng amoy sa bibig at magdulot ng bad breath. Kadalasan, pang mabilisang pangangamoy lamang ang dulot nito. Ngunit ang nanguyang pagkain ay maaaring sumingit sa mga ngipin na nagpaparami ng bacteria sa bibig. Ang pagdami ng bacteriang ito ang nagdudulot ng bad breath.
· Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng masamang amoy ng bibig at hininga. Maaari din ito magdulot ng gum disease o sakit sa gilagid. Alam mo ba na ang paninigarilyo at pag-nguya ng tabacco ay hindi lang nagdudulot ng maruming mantsa sa ngipin kundi ito rin ay maaaring maging dahilan ng mabahong hininga? Dagdag pa rito, nakababawas din ito ng kakayahan mong malasahan ang masarap na mga pagkain.
· Kakulangan sa pagaalaga ng ngipin. Kapag hindi nagsisipilyo at floss araw-araw, ang mga naiiwang pagkain sa bibig ay mabubulok at magdudulot ng masamang amoy. Ang kakulangan sa dental hygiene ay nagdudulot din ng amoy mula sa plaque. Ang plaque naman, o bakteria sa ngipin, ay nagdudulot ng gum disease na dahilan din ng bad breath. Maaari din pagmulan ng bad breath ang hindi nalilinis na dila, pustiso at braces na maaring tirahan ng bacteria. Sa madaling salita, ang hindi malinis na bibig ay nagdudulot ng bad breath.
· Nanunuyong bibig. Ang panunuyo ng bibig ay nagdudulot ng pagbaba ng produksyon ng laway na maaaring magdulot ng bad breath, dahil tumutulong ang laway na linisin ang bibig mula sa mga naiiwang pagkain. Ang “morning breath” ay dulot din ng pagbaba ng produksyon ng laway sa tuwing natutulog.
· Impeksiyon sa bibig. Ang bad breath mula sa impeksiyon ay maaring dulot ng oral surgery kagaya ng pagbunot sa ngipin o mula sa tooth decay, gum disease, tulad ng gingivitis o pagdugo ng gilagid, at iba pa.
· Mga gamot. May mga gamot tulad ng antihistamine at diuretics na nagdudulot ng bad breath mula sa panunuyo ng bibig.
· Mga ibang karamdaman. Ang mga karamdaman kagaya ng cancer at metabolic disorder ay nagdudulot ng katangi-tanging amoy ng hininga mula sa mga chemical na kanilang nilalabas. Halimbawa, ang pag-reflux ng stomach acid na dulot ng gastroesophageal reflux disease ay nauugnay din sa bad breath. Maaaring galing pa sa ilong ang mabahong hininga kapag sinisipon ang isang tao. Bukod dito, maaari ring sanhing mabahong hininga ang hindi maayos na pagdidiyeta, lalo na kapag kumakain ng mamantika na pagkain ang isang tao. 
 
Mabisang gamot sa mabahong hininga 
Ano ba ang mga gamot sa mabahong hininga na nakikita sa ating kusina o nabibili kahit walang reseta?
·       Dahon ng bayabas – Ginagamit ang dahon ng bayabas bilang gamot sa mabahong hininga sa pamamagitan ng pagnguya nito. Pumitas ng ilang malusog at sariwang dahon nito. Pagkatapos ay nguyain hanggang madurog ang dahon sa bibig. Gawin ito tuwing umaga at bago matulog. Nakakabawas raw ng pagdurugo ng gilagid ang pagnguya ng dahon ng bayabas. 
·       Baking soda. Hindi lamang ginagamit sa pagluto ang baking soda, isa rin itong epektibong lunas sa bad breath. Kumuha lamang ng isang kutsarita ng baking soda at tunawin ito sa isang basong tubig. Pagkatapos ay gawin itong pang-mumog.
·       Green tea - Maaari din humigop ng green tea na pangontra sa bacteria na sanhi ng pagkabulok ng ngipin at sakit sa gilagid. Ngunit sinasabing pangsamantala lang raw ang epekto nito.
·       Yogurt: Natuklasan ng iilang mga ekspertong hapon na ang pagkain ng kalahating tasang yogurt ng dalawang beses araw araw ay nakakabawas raw ng bad breath dahil binabawasan nito ang sulfide compounds na sanhi ng pangangamoy. Pinakamainam ang pagkain ng yogurt na may halong streptococci at lactobacilli bacteria. 
·       Avocado – Isa ring epektibong panggamot sa mabahong hininga ay ang avocado. Ang malapot at makatas na laman ng avocado ay mabisang panlinis kapag nginunguya. Nakakabawas rin ang avocado ng mga bacteria at tirang pagkain na naiwan sa iyong lalamunan.
·       Maaari ring pansamantalang makabawas sa bacteryang sanhi ng bad breath ang pagnguya ng chewing gum na sugarless. Ito ay dahil ang laway ay nakakatulong sa paglinis ng bibig at nakakabawas ng bacteria.
·       Tubig – Ayon sa saliksik ng mga eksperto, ang panunuyo ng bunganga ay nakakasanhi rin ng mabahong hininga. Mahalagang papel ang ginagampanan ng laway sa paglinis ng bunganga. Nagbubunga mga bacteria kapag walang laway ang bunganga. At sa tuwing natutulog, nanunuyo ang bunganga, kaya’t bumabaho ito pag gising.
Nagkakaroon ng laway sa bunganga sa paginom ng purong tubig, at hindi mga softdrinks o juice. Uminom ng hindi bababa sa 8 basong tubig kada araw.
·       Pinakamainam pa rin sa lahat ang paglinis ng loob ng bibig araw-araw. Kabilang na riyan ang maayos at regular na pagsisipilyo at pagmumog ng malinis na tubig. Kung gumagamit naman ng pustiso, linisin rin ito araw-araw.
·       Ang pagmumog ng mouthwash sa umaga o bago matulog ay epektibo rin sa pagbawas ng mabahong hininga o bad breath. Ngunit makakabuti na itanong sa doktor bago gumamit ng mouthwash para makaiwas sa posibleng maging side effects nito.
 
Kung ang lahat ng nabanggit ay walang epekto, panahon na sigurong mag patingin ka sa isang Dentista. Mahalaga ang pag pa check-up ng isang beses sa isang taon man lang! Maaaring magsagawa ang doktor ng teeth cleaing para tanggalin ang mga dumi at bakterya sa iyong bibig, Maaari rin siyang mag reseta ng gamot katulad na puwede mong gamitin para pansamantalang mawala ang mabahong hininga. Mahalaga rin ang pagpabunot ng bulok na ngipin na siyang paboritong pamahayan ng bakterya.
 
Paano maiiwasan: Maling Kaugalian
Karamihan sa mga Pinoy ay nagsisipilyo ng ngipin araw-araw. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng matibay na ngipin. Ngunit kung hindi ka nagsisipilyo pagkatapos kumain, ang mga tirang pagkain sa bibig mo ay maaaring pamugaran ng mga bacteria, sa palibot ng gilagid at sa ibabaw ng dila. Ito ay maaaring maging sanhi ng mabahong hininga.
Isa pa, kung ang pustiso mo ay hindi nalilinisan ng maayos, pwede rin itong pagmulan ng mabahong hininga.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)