Mabubuntis ba ako kung nakipag sex ako bago ako magkaroon?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Mabubuntis po ba ako kung nakipag sex ako bago ako magka mens? Regular day ko po tuwing ika 4th of the month, pero nag sex kami ng bf ko ng ika 2nd of the month bago ako magkaroon. 19th na ngayon pero wala pa rin akong mens.

 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ikaw ay maaaring mabuntis lalo kung ikaw ay hindi gumagamit ng kahit anong klase ng proteksiyon gaya ng condom, o ibang kontraseptibo gaya ng pills at iba pa. Maaaring magsagawa ng pregnancy test 2-3 weeks matapos ang huling pagtatalik upang malaman kung ikaw ay positibong buntis o hindi.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kamusta ka? Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.
 
May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.
 
Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay mabuti ang iyong kalagayan. Kapag buntis ka, tatanggapin mo kasi blessing yan ng Diyos. Magdasal at kausapin ang iyong partner o mga mahal mo sa buhay. Maaayos din ang lahat. 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco