Ako po ay isang OFW at nagkaron po ako ng unsettled

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay isang OFW at nagkaron po ako ng unsettled bank account/credit card. Last 2011 po yun credit card at umuwi po ako ng Pinas na hindi ko po nasettled yun account na yun sa Saudi British Bank. Now nung bumalik po ako nung 2013 same bank po ang ibinigay samin ng bago kong kumanya na dun daw po kami mag open ng account so pag open ko hindi naman ako sinita ng Saudi British Bank about may pending account. Tapos mga ilang buwan may natanggap po akong email galing sa isang corporation na sinisingil ako sa utang ko sa Saudi British Bank at sila daw po ay affiliate nila dito sa Pinas, so pagtapos po ng usap namin sinabi ko na sige magbabayad ako buwan buwan sa kaya ko lang bayaran at nagkasundo naman po kami. Subalit dumating po ang araw na napauwi po ako ng Pinas at di ko na po natapos bayaran ang unsetteled account ko na yun. Ngayon po nakatanggap po ulit ako ng message sa fb at talagang sinearch nila ako na ang sabi ay kailangan ko raw i settle ang bank account at kung hindi raw ay kakasuhan daw nila ako. Tanong ko po, papano po yun e wala po akong trabaho sa ngayon, papano ko sila mababayaran sa sinisingil nila sakin? Makakaapekto ba ito kung sakali mag apply ako ng trabaho sa ibang bansa at baka di na po ako makaalis. Please po pakipayuhan po ako. Maraming Salamat Po at Mabuhay po kayo!!!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Huwag munang maniwala sa mga fb message/online message tungkol sa collection ng iyong utang. Sa ating bansa hindi kasi valid ang mga demand through online. Wait for a demand letter from their lawyer o kaya summons from court that is safe for you to compromise. Malalaman mo naman if makatanggap ka ng summons it means nagpafile na sila ng case laban sa iyo. Actually, if you have a pending case dito sa ating bansa maaring mahold ka sa ating immigration kung wala naman at pupunta ka sa ibang bansa maaring makapagtrabho ka uli. However, if babalik ka rin sa bansa kung saan may utang ka at may pending case ka doon siguradong makukulong ka or you will be forced to pay there. You may verify your status naman sa DFA para malinawan kung sakaling may kaso na pending sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming salamat po attorney sa mabilis na sagot. Ang hinala ko po kasi dito ang naghahabol sakin ay yung insurance company ng saudi british bank kasi nga po nag close account ako sa kanila noong umuwi ako e wala naman silang sinabi sakin at hinayaan nila akong makauwi ng bansa. Posible ba na insurance na lang ang naghahabol sakin at pwede pa rin ba nila akong kasuhan sa kabila ng nagbabayad naman ako, yun nga lang po sa ngayon ay wala akong trabaho kung kaya di ko pa sila mabayaran.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If mayroon silang affiliate company dito maaring patuloy silang magdedemand sa iyo.Trabaho naman ng mga collecting agent yan na takutin ka para pilit na bayaran mo na hindi na aabot sa korte. Pero kung wala silang affiliate company wala naman silang jurisdiction sa iyo dito dahil sa Saudi ang loan mo pwera nalang if talagang napakalaki ng utang na hahabulin ka talaga ka nila dito because it is worth the effort and money na gagastusin nila. Ngunit wala din naman makukulong sa utang sa ating bansa except if may halong fraud or panglilinlang ang ginawa mo. If possible magchange ka nalang ng contact number at any account sa online para hindi ka na nila mahanap. Ngunit kung alam naman nila ang address mo at magpapafile talaga sila makatatangap ka naman ng summons at mas mabuti sa court nlang makig areglo dahil mas safe pa doon kaysa kung kani-kanimo para hindi naman maloko.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming maraming salamat po attorney sa maliwanag na tugon nyo po. At least ngayon po di na ako mag iisip ng kung anu ano sa kaso nato. Ang humahabol po sakin ay yung insurance company at ang utang ko po doon ay di naman ganun kalakihan. Siguro nga po ay namumuwersa lang sila para bayaran ko po ang kulang ko sa kanila. Pero sa akin naman po di ko naman tinatakbuhan ang sakin lang kasi wala akong work sa ngayon kung makatrabaho naman ako ay tiyak na babayaran ko din yon. Salamat po ulit attorney sa katugunan sa aking problema. Mabuhay po kayo at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Welcome, God bless too.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.