Paano ba gamutin ang taong my sakit sa pagiisip?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Paano ba gamutin ang taong my sakit sa pag-iisip? Tulungan nio naman po ako, May kapatid po akong lalaki na basi po sa nabasa ko na article tungkol sa sakit sa pag-iisip ang sintomas po na ipinapakita niya ay ang sakit na SCHIZOPHRENIA. Nagiging bayolente po siya at nananakit at nagbabanta sa tuwing tinutupak po siya. Natatakot na po kami sa kanya lalo pa at malaki po siyang tao. Wala po dito sa aming lugar ng Center na maaring tumulong po sa amin. Itatanong ko rin po kapag pina rehab po ba magkano ang perang gagastusin at paano po siya dadalhin? Sana po matulungan nio Kami. God bless you po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Magandang araw po, yung mga taong may sakit po sa pag iisip ay dapat na dinadala sa isang mental institution para maiwasan po natin na may masaktan siya. kumbaga po e threat po sila sa self nila at sa public. Saan po ba kayong lugar para masearch po natin kung may mga mental hospital diyan sa inyo. Marami po kasi kaming cases noon sa ospital na nasasaktan talaga dahil sa mga taong may problema sa pag iisip na hindi nagamot. may mga gamot na pinapainom sa kanila ng mga eksperto o mga psychiatrist. May kamahalan ang ibang gamot pero magtanong lang kayo sa social welfare office nila for assistance sa gastos. Sana po maidala niyo siya agad kasi pwede pong malagay sa panganib yung buhay niyo, pamilya niyo at ng ibang tao. Salamat po.
Jessica Sarmiento
is in the Philippines
Kame po meron kapitbahay na may mental problem din po. Nagsisisgaw po sya at ngsasalita mg isa at para lagi may kausap, minsan po nambabato po sya ng kung ano ano sa bubong ng kapitbahay. Pero po sya ay pinadala na sa mental hospital noon pero po nun inevaluate eh okay naman daw po at wala naman sakit sa pag iisip. Pano po kaya yon? kasi po may nangyare minsan na nambato po sya sa labas ng bahay nila ng malaking bato at muntik na matamaan yung bata sa amin.
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Hello po Miss Jessica, kung ok naman daw po siya sabi ng mental institution, pwede niyo pong e report sa autoridad yung kapitbahay niyo kasi grave threat po siya sa komunidad. Either ipagpaalam niyo po sa kapitan o barangay tanod para maaksyunan po nila bago pa po may masaktan. Salamat po
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.