Sa inyong lahat. Itago nyo na lang ho ako sa pangalan na jane.

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sa inyong lahat. Itago nyo na lang ho ako sa pangalan na jane. Ako po ay humihingi ng payo dahil nais ko na pong kunin ang aking anak sa legal na pamamaraan sa father side. Ako po ay may anak na babae At siya po ay mag tatlong taon ngyong taon na to sa buwan ng nobyembre. hindi po kami kasal. Nagkakilala po kami ng Tatay sa dubai. Nung ako po ay nagdalang tao ay umuwi po ako ng pinas. don po ako nanirahan sa pamilya ng tatay ng anak ko tuwang tuwa ang pamilya nya dahil unang apo nila. mabait sila sken at Wala ako masabi sa kanila dahil inalagaan naman nila ako habang ako ay nagbubuntis. Habang ako ay nanunuluyan sa knila ay meron akong nalaman na.. Ang tatay ng anak ko ay Bakla.. ganon pa man ay Tinanggap ko sya at Iniisip ko na hindi pa huli ang lahat,pwede pa naman syang magbago ngyon pa at mag kaka anak kami at kung hindi man nya mabago ang pagging bakla nya ay kaya naman nya sigurong maging ama s akng anak at maging asawa saken ayoko na iparanas sa knya ang broken family dahil mahirap lumaki ang bata ng walang ama.Maaga ako nangulila at lumaki ako ng walang tatay kaya khit masakit ay pinili ko na lamang na mging matatag para sakeng anak. Hindi kami nagsama ng matagal dahil sya ay nasa dubai at habang kami ay magkalyo at tanging sa celphone lang ang communication namin naranasan ko na wlang tawag at message na narrcve mula sa knya ni kamustahin ako wlaa kahit buntis ako noon at nasabi nya sken na wla syang plano na ako ay pakasalan. Anim na bwan ang anak ko nung umalis ako ng pinas kahit masakit sa loob ko ay kinaya ko dahil gusto ko sya mabgyan ng magandang buhay at ayoko din umasa sa kaka kirampot na padala ng tatay nya... Bwan bwan ako nagpapadala saking anak Taon Taon sya nakakauwi ng pinas dahil my sumusuporta s kanya samantalang ako ay hindi pa nakakauwi buhay nung umalis ako. Nakpagpatayo na din sya nga bahay nagSabi sya sken na kung skaling uuwi daw ako ay wag ako magstay sa kanila don daw ako magstay samin ngunit hndi ko dw issama ang aking anak. ang buong Akala ko ay magbbgo sya dahil my anak na kami nagkamali ako... Bnlock nya ko sa fb acct nya at don nya ako inad sa isang fb nya na bihira nya iopen. Nung tinanong ko sya tungkol don ang sinagot lang nya sken ay para daw un sa ikakabuti ko. Nung una hindi ko maintndhan pero habang tumagal ay naiintndhan ko na at kaht minsan sy msakit na pinilipilit ko pa ding magging mattag para saking anak. My nakapagsabi sken na ang tatay ng anak ko ay my bf na amerikano ngyon sa dubai yun daw ang sumusuporta sa knya dahil wala naman sya dung trabaho. at my nablitaan pa ako na my planong umuwi ng pilipinas ang bf nyang kano ngyong taon na to bwan ng marso at ako naman ay my planong umuwi ngyon ding taon na to sa hulyo. Nung una hindi ako naniniwala dahil wala namang sinsabi sken ang kanyang pamilya. nattakot ako na baka itago nya sken ang anak ko paguwi ko st hindi nila ibgay sken at natatakot din ako na bata pa anak ko ay imulat nya sa ganong klaseng relasyon at itago ng pamilya nya ang aking anak. Tanggap ko ng hindi magging maayos ang aming relsyon nais kong kunin ng aking anak paguwi ko dahil Ayoko mamulat ang anak ko sa ganon. Gusto ko sya kunin. inilalantad na nya sa tao ang pagging bakla nya at pati ang karelasyon nya pano ang dapat ko hong gawin. Sana po ay matulungan nyo ako. My kaso ho ba sa ganon. Nais ko pong malaman ang dapt kong gawin para mkuha ang aking anak sa maayos na paraan. Marami pong slamat. Godbless...

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi ako abogado/tagapagtanggol ngunit bilang karaniwang mamamayan na nagda-dalang awa sa iyo ay ito ang aking masasabi.Iyang sitwasyon na pagkuha mo ng anak mo sa pamilya ng iyong asawa ay masalimuot at mahirap. Ang iyong asawa ay biological father ng inyong anak kaya siya ay mayroong patas na karapatan sa bata ngunit hindi maaring ang kabilang panig ay tanggalan ka ng iyong karapatan bilang biological mother. Pumunta ka din sa DWSD at humingi ka duon ng payo upang iyong mapag-alaman kung ano ang pananaw nila sa ganitong pangyayari. Ang isa sa pinakamabisa at mabilis na hakbangin na iyong magagawa ay ito, pag-uwi mo sa Pilipinas pumunta ka agad-agad sa Mandaluyong, Metro Manila at pumila ka para sa programa na bantog na Public Service na mamahayag o journalist(hindi ko maaring ibunyag dito ang pangapan sa kadahilanang palagay ko ito ay bawal). Agahan mo ang dating duon upang masiguro na didinggin ang iyong hinaing. Siya ay maka-ina at kakampi ng mga mahihirap, ng inaapi lalo na ng mga OFW, na sa tingin niya ay mga bayaning nagsasakripisyo upang bumuti ang kalagayan ng kanilang buhay.Ang pag-tulong niya ay agad-agad at walang patumpik-tumpik; tanggal ang red tape. Habang ikaw ay kinakapanayam sa programa, ang mga show producers at reporters ay nagtatawag na upang ilinya ang lahat ng tauhan ng pamahalaan na makakalutas sa iyong suliranin...tulad ng DSWD, ang pulis, Barangay chairman na nakasasakop,abp. Ang mga kamag-anak ng iyong asawa at mismong asawa mo kung siya ay nasa Pinas ay maaring kapanayamin din sa telephono. Malakas ang laban mo bilang ina ng iyong anak. Kung mapapatunayan na mas makabubuti ang kalagayan ng bata sa iyong kalinga at ang bata ay hindi pa higit sa pitong taong gulang malamang na ikaw ang manalo sa "physical custody" sa ngayon. Sa involvement ng mamamahayag na ito, sa takdang araw na kukuhanin mo ang bata galing sa poder ng kabilang panig, mayroon kang "escort" na mga reporters at may kamera na naka tuon sa inyong lahat (ito ay para sa proteksyon ng magkabilang-panig at makatulong sa payapang pagkikipagkita at pagkuha mo ng iyong anak), kasama ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na kaakbayan mo sa labang ito. Ang mga mayroong mas malawak na kaalaman sa lårångan ng batas sa pahinang ito ay makakapaglahad ng karagdagang pagpapayo. Inuulit ko lamang, ako ay hindi abogado bagkus ay isang karaniwang mamamayan na nagnanais na makatulong ng kaunti sa iyong suliranin. Hinahangad ko ang iyong tagumpay.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.