Nangungupahan po ako sa isang commercial area. at may vendor po sa harapan ng pinto ko na nasa gilid namin pero sumakop pa rin siya sa harap ng pinto .?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Naglagay din ako ng maliit na pwesto sa likod nila na nasa tapat pa mismo ng tindahan ko, pero nagsumbong po sila sa kapitana ng baranggay at kami pa po ang pinausog.  pag bigyan daw namin dahil daw PWD. tama po ba yun na kami pa po ang nag aadjust?Magandang umaga po, nangungupahan po ako sa isang commercial area. at  may vendor po sa harapan ng pinto ko na nasa gilid namin pero sumakop pa rin siya sa harap ng pinto .?
makikita nyo po yung puti dyan ay yung gu.sto ko pong lagyan ng pwesto. at  ang mesa po nila ay nakalagay sa pagitan ng ng poste ng LRT at pwesto ko. please reply po. tnx

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Try po ninyong magpatawag sa Barangay kasama ang nasabing nangungupahan pati na rin ang owner/lessor ng property. Kayo po dapat ang mag usap nito based po sa lease of contract ninyo at least the lessor itself will identify your boundary. The lessor itself is the best person po ang makakapagsolve nito dahil kung hindi po kayo magkasundo maaring paalisin po ninyo kayo. However, if you are encroaching government property na po bawal na po yan dahil magiging hadlang na po kayo sa mga pedestrian po.
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
Maam, makikita nyo po sa picture na sa akin ang tindahan sa gitna, ang gusto ko lang naman dagdagan ng konti sa gilid ng tindahan ko. ilang metro po ba dapat ang pwede kong kunin mula sa harap ng pinto ko? sa pag kakaalam ko po kasi ay isang metro pa, mula sa harapan at hindi pwede harangan ng iba. hindi po pedestrian mam kasi nasa loob pa rin ng bubong ko at sila yung may mesa sa gilid na nagtitinda po ng candy.
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
"kasama ng nasabing nangungupahan" mam, hindi po sila nangungupahan. Nagmemesa lang po sila sa labas ng gilid ng inuupahan ko.. Hinahayaan nalang namin, dahil dekada na po sila sa lugar. Wala pa po kami sa lugar ay nasa bangketa na sila. Private property yan mam, pinausog sila ng husto ng mga DILG yata yun. Kaya lalo sila lumapit sa gilid ng harap ng tindahan ko, na nasa ilalim pa rin ng bubong ng pwesto ko. Kung titignan nyong mabuti sa picture, ang mesa nila ay nasa pagitan ng poste ng LRT at gilid ng bukana mismo ng pinto ko. Kami po ang nangungupahan, at sila po ay vendor lang sa labas at walang upa.
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
mam, tapos na po, sila po mismo ang nagpatawag ng baranggay at sila mismo ang kinatigan ng kapitana ng baranggay. ang inuupahan ko po mismo Januarysa picture ay yung malaking tindahaan, yung mesa ng vendor Januarysa kaliwa ay mesa nila. nasa loob mismo ng bubong ko. tanong ko lang po, from pinto ng mismong inuupahan ko, base sa mismong batas, haggang saan lang po ba ang dapat boundary ko? vendor po ng bangketa ang makikita nyo sa kaliwa.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang masasabi kulang po if kayo ay nangungupahan at ang vendor ay hindi mas karapatan po kayong maglagay ang mesa or ano paman as long allowed ito sa contract ninyo. Always go back sa contract kung hanggang saan po ang boundary ninyo. Kung wala naman kontrata pwede po kayong maglagay ng mesa sa tapat. If that vendor nauna pa sa inyo sana pinagsabihan ninyo po ang lessor tungkol dito . Maari kasing ipalease nalang din po ito sa kanya or kayo nalang po ang mag sublease ng portion at directly ang vendor nalang po ang magbabayad sa inyo. I hope sa mabuting usapan nalang po ninyo ito idaan. Pareho naman po kayong nangangailangan nito. Baka po kung talagang magkagulo kayo both of you paailisin sa inuupahan ninyo.
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
mam, noong una p[alang yung lessor na po ang nag sabi na kami daw po ang bahala kung
sino po ang gusto naming ipa sublease. nung nakita na po namin sa lampas po sila sa poste ng LRT ay hinayaan lang po namin. pero po ang masakit nyan, nung naglagay po ako ng mesa, sa likod ng mesa nila. ako pa po ang masama. maliit n mesa lang po yun. ibig bang sabihin, mas may karapatan sila? eh ayaw nga po mag bayad ng pwesto kaya nga po nag ve vendor sa labas ng tindahan ko. lampas po sila sa poste ng LRT. Kahit tignan nyo sa picture. Nagtataka po ako, bakit kinatigan ng Kapitana

Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
nasa left side po siya jan, makikita nyo po ang tao na yan sa harap ng gilid ng tindahan. yung nakatakip naman po sa right side ay nagsa sublease na po sa akin. Ano po ba ang naayon sa batas? pag may pwesto po kayo, at may naglagay din sa gilid ng pinto mo, tama po ba yun? bakit kinatigan ng kapitana? eh matagal na panahon ko na po pinagbibigyan doon na wala nmang bayad. ang dahilan lang ay matagal na daw sila sa lugar.
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
Saka kung titignan nyo po ang lahat ng stall sa buendia, makikita nyo po na lahat inaalowed na lumampas ng konti, kalahating hindi pa lang mula sa pinto ng tindahan nila. Madam, ano po ang nasa government code? please answer?
Tine Aquino
is a self employed in the Philippines
Ang totoo po nyan, abandonadong lugar dati ang pwesto ko nung i offer po sa akin at ginawa po iyon kaya nabuksan po. Dati po silang vendor sa harap ng pinto ko, kaya nung mabuksan ang pinto ay napunta sila sa gilid ko.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.