MAITIM NA SIKO O TUHOD: Ano Lunas o Mabisang Solusyon?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Nangingitim ba at nanliligasgas ang siko at tuhod mo? Kapag nagsimulang mangitim ang mga parteng ito ng ating balat, halos wala din namang naitutulong ang mga sabon para bumalik ang dating kaputian. Ito ang ilan sa mga natural at epektibong solusyon para pumuti ang siko at tuhod.

Kapag nahantad sa araw o kaya naman ay namuo ang libag o dumi sa balat sa pateng tuhod at siko, magiging kapansin-pansin iyan dahil ito lang ang tanging maitim sa buo mng katawan. Nakakapag-alala naman talaga iyan lalo na kapag malapit na ang tag-araw o kapag magsusuot ka ng T-shirt. Pero huwag kang masyadong mainis. Napakadaming solusyon sa nangingitim na tuhod at siko at minsan ay nasa bahay mo lang pala!

●      Gamitin ang katas ng lemon. Meron itong citric acid na may natural na bleaching o pampaputing sangkap. Kaya naman, ang paglalagay ng lemon juice sa siko at tuhod ay magpapaputi dito. Sundan ito:

-       Hatiin ang lemon sa gitna. Katasin ang dalawang parte ng lemon para makabuo ng 2 hugis baso mula sa lemon. Ikuskos ito sa magkabilang siko ng sabay.

-       Pwede mong alisin ang mga hibla o pulp. Hayaan itong mababad ng 3 oras at saka banlawan. Iyan ang sapat na haba ng panahon para manuot ang lemon sa balat.

-       Hugasan ito ng maligamgam na tubig. Nakaka-dry ng balat ang lemon kaya gumamit ng paboritong moisturizer pagkatapos.

-       Gawin ito araw-araw hanggang sa tuluyan ng mawala ang pangingitim. May makikita kang pagbabago sa loob lang ng ilang linggo.

●      Ihalo ang baking soda sa gatas hanggang sa makabuo ng makapal na paste. I pahid ito sa siko at tuhod at banlawan makalipas ang 5 minuto. Gawin ito isang beses sa isang linggo sa loob ng 2 buwan.

●      Ang langis ng niyog ay isa din sa mabisang solusyon sa maitim na siko at tuhod. Meron itong vitamin E na nakakatulong para pumuti ang maiitim na bahagi ng balat at para maiwasan ang pagka-dry o panunuyo ng balat. Pinapanatili nitong malusog ang balat. Kaya din nitong ayusin ang mga nasirang bahagi ng balat at pangingitim. Para palambutin ang magasapang na balat, imasahe ang langis ng niyog sa apektadong bahagi at saka maligo gamit ang maligamgam na tubig. Huwag magsabon. Hayaan mo lang ito na matuyo. Pwede mo ding lagyan ng konting katas ng lemon.

●      Gumawa ng paste gamit ang gatas at baking soda. Ang pinaghalong sangkap na ito ay makakatulong dahil may lactic acid ang gatas na tutulong para mabawasan ang pangingitim ng balat habang ang baking soda naman ay tumutulong para maalis ang patay na balat o libag.

●      Paghaluin ang sapat na dami ng mga ito para makabuo ng paste.

●      Ilagay sa siko at dahan-dahang ipahid ng paikot. Gawin ito ng 3 minuto hanggang sa mapansin mong maputi na ang iyong siko.

●      Yogurt- mayron itong lactic acid na tumutulong para mabilis na pumuti ang balat. Nililinis din nito ang balat.

-  Paghaluin ang isang kutsarita ng yogurt at puting suka para makabuo ng magaspang na paste. Ipahid sa siko at tuhod at patuyuin. Banlawan ng maligamgam na tubig, patuyuin at lagyan ng moisturizer. Gawin ito araw-araw sa loob ng ilang linggo.

-  Pwede din naman na paghaluin ang 2 kutsarita ng harina at isang kutsarita ng yogurt. Ilagay sa maitim na siko at tuhod at hayaang matuyo sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos, gamit ang basang kamay, alisin ang paste at banlawan ng malinis na tubig. Gawin ito sa loob ng  2 o 3 beses sa isang linggo.

●      Hiludin ang iyong siko. Syempre, makakatulong iyan para maalis ang mga libag na naipon sa siko mo kaya’t nagmumukha itong maitim.

-       Gumamit ng loofah o panghilodna may kahalong shower gel para maalis ang libag sa  siko.

-       Pwede ka din na gumamit ng sarili mong scrub gamit ang asukal. Paghaluin ang 2 parteng asukal (puti o pula) at 1 parte ng langis (almond, niyog o olibo).

-       Maging banayad kapag ikinukuskos ito dahil baka mapigilan ang paglabas ng natural na langis at mas lalong maglalabas ng selula ang iyong balat. Mas iitim ang iyong balat. Marahang ipahid ito isang beses o 2 beses sa isang linggo.

 

●      Asukal

Para pumuti ang balat sa iyong tuhod at siko, pwede kang gumamit ng sugar scrub. Makakatulong ang asukal sa pag alis ng libag at pag-papalambot ng balat.

-       Paghaluin ang asukal at olive oil para makabuo ng paste.

-       Ilagay ito sa tuhod at siko at ikuskos sa loob ng 5 minuto ng pa-ikot.

-       Hugasan ng sabon at maligamgam na tubig. Huwag gumamit ng matapang na sabon.

-       Gawin ito ng isang beses araw-araw hanggang sa pumuti ang bahaging maitim.

-       Gawin linggo-linggo.

Talaga namang nakaka-ganda ang pantay na kulay ng balat at papasagwain naman ito ng maitim na siko at tuhod. Maraming nag-aatubili na magsuot ng maikling manggas na damit o pang-itaas, palda at shorts.

Ang balat sa paligid ng siko at tuhod ay karaniwan ng mas makapal at kulubot. Isa pa, dahil walang daluyan ng natural na langis sa bahaging ito ng katawan, nanunuyo ang balat na ito. Kaya kapag hindi naaalagaan ang bahaging ito, mas nagiging maitim ang tuhod at siko kumpara sa ibang parte ng katawan.

Nangingitim din ang bahaging ito dahil sa palagi itong nakukuskos, nahahantad sa araw, o baka dahil sa genes, hormonal imbalance, obesity, nanunuyong balat, o namumuong libag.

Ang pamumuo ang makapag na libag o dead skin ay dahil sa pagkikiskisan nito sa ibang mga matigas na bagay o sa mismonh balat. Kapag sumasandal sa lamesa gamit ang siko o kapag lumuluhod sa sahig, nangingitim ang balat. Nakakainis naman talaga lalo na para sa mga babae na magsuot ng maikling shorts o sleeveless kung maitim ang siko o tuhod. At pwede itong mangyari sa kahit na ano pang kulay ng balat, kahit sa mapuputi. Kapag lagi kang nagbababad sa init at hindi naglilinis ng balat ng maayos, may tendensiyang mangitim ang mga bahaging ito. Pero pwedeng-pwede na masulusyonan iyan  gamit ang ilang produkto sa bahay at hindi mo kailangang gumastos para lang mapaputi ito.

 


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)